Chapter 3

2.9K 30 0
                                    

“Hurting for Sarah?” Nagtatakang tanong ni Gerald.

“Yes, everyone knows in our circle of friends na mahal niya si Sarah. Si Sarah lang yata ang hindi nakakaalam kung gaano siya kamahal ni Samuel. Don’t tell me hindi mo alam.”

“Alam ko.” Biglang lumungkot ang mukha ni Gerald at tinanaw ang nakalabas ng si Sam.

Naalala ni Gerald na pinagbilin ni Sam sa kanya si Sarah. Napahaplos sa buhok niya si Gerald. Parang kelan lang yun. Huminga ng malalim si Gerald. Nangako nga pala siya kay Sam na aalagaan at mamahalin niya si Sarah higit pa sa kayang ibigay nito. Ginawa naman niya yun ah. Si Sarah lang ang minahal niya ng ganoon katindi.  Hanggang ngayon apektado pa rin siya ng dalaga kahit ilang buwan na rin silang nagkanya kanya ng landas. Nasasaktann pa rin siya tuwing napapanood niya itong masaya at nakikipag biruan sa mga guests niya sa show niya. Nagrerebelde pa rin ang kalooban niya pag nakikita  niya si Sarah na parang bale wala lang sa kany ang mga nang yayari sa  kanilang dalawa. Mataginting pa rin itong tumawa. Samantalang siya, mabanggit lang ang pangalan niya ay parang may matulis ng tumutusok sa dibdib niya.

“Hoy , nawala ka na. Saan na napadpad ang utak mo. Hindi mo na sinagot ang sinabi ko.” Hampas kay Gerald ni Maja.

“Ano nga sinabi mo?” Naguguluhang tanong ni Gerald.

“Dapat ko bang kausapin si Sarah at sabihin sa kanya na hindi tutuo ang kumakalat na balita tungkol sa atin. Ipapaliwanag ko sa kanya ang mga pangyayari? Ayaw kong masira ang pagiging magkaibigan din namin.”

Natigilan si Gerald. “Wala ka namang dapat ipaliwanag, kahit naman tutuo na tayo na, wala naman siyang dapat ikagalit saiyo. Single ako at kahit sino ang gusto kong isama sa mga lakad ko wala na siyang pakialam.” Mayhalong inis ang sagot ni Gerald na ikinagulat ni Maja.

“Wooohh saan galing yan? Bigla naman yatang nag iba ang ihip ng hangin. Kanina lang nag aalala ka na nararamdaman mong may tension between you and Sam ngayon naman parang inis ka na magpaliwanag about us.”

“Naiinis na ako, para kasing lumalabas si Sarah lang ang kawawa sa nangyayari sa amin. Naaawa sila duon , nakikita mo ba kung gaano siya kasaya sa show niya. Kung gaano siya mag pa cute sa mga guests niya. Pati nga kay Hayden Kho nagpapa cute.” Hindi na napigilan ni Gerald na ilabas ang hinanakit at pagseselos nito.

“Ayun at lumabas din ang tutuo. Nagseselos ka pa rin.Bakit ba kasi hindi kayo mag usap. Obvious naman na mahal mo pa siya.”

“Tama nga ang sabi nila, love is not enough para maging successful ang isang relationship. Mabuti na tong ganito, kami lang dalawa ang nasasaktan or baka right now , ako na lang. Mukhang naka move on na siya. Hindi naman siya nawawalang ng mga taong nagmamahal sa kanya. Di nga ba pati si Matt hindi nakaligtas sa charms niya?” Tiningnan nito si Maja kung ano magiging reaction pagbanggit sa pangalan ng ex nito na balitang crush na crush si Sarah.

“Don’t go there. Magkaibang kaso yung sa amin ni Matt at sainyo ni Sarah. Dati ng alam ng mundo kung gaano katindi ang paghanga ni Matt sa kanya. Iba yung sa kanila. Si Matt, yung paghanga niya kay Sarah, bilang fan and I doubt na sa ngayon aabot sa more than friends ang samahan nila. Deep down alam mo ang tutuong Sarah.” Halatang naiinis na rin si Maja, hindi kay Sarah kung hindi kay Gerald.

HIndi  na kumibo si Gerald. hindi niya alam kung saan niya ibubunton ang nararamdamang inis, galit at selos na habang naiipon sa loob niya ay lalo niyang nararamdaman na madali siyang ma irita.

“Sige mauna na rin ako. May ride ka ba?” Tanong ni Gerald kay Maja.

“Oo meron , thank you. Sige ingat.”

******

Pahiga na si Sarah ng mapansin niyang nag vibrate ang phone niya.Kinuha at binasa ang text. Nagulat ito , hindi niya inaasahan na mag te text sa kanya si Gerald.

Nag-iisang IkawWhere stories live. Discover now