Chapter 5

9.9K 87 4
                                    

Kinabukasan laman na naman ng mga newspapers at balitang showbiz si Sarah. Malaking usapan ang show niya ng nagdaang gabi. Ang showdown nila ni Ruffa Mae. Issue pa rin ang ayaw na niyang pag usapan pa si Gerald nung thanksgiving dinner niya for the press. Nahalata daw ng mga dumalong reporters na she is smiling from outside but for sure hurting inside. Iba daw kasi ang aura ng dalaga pag talagang happy ito. Nakiusap na rin ang dalaga na huwag sisihin ang mga magulang sa naudlot na relationship nila ni Gerald. Hindi daw ang mga ito ang dahilan. Alam daw niya, ng taong involved at yun nga ayaw na niyang pag usapan.

Mabuti na lang at hindi na nalaman pa ng mga reporters ang newly acquired independence ni Sarah.Anduon din kasi sa press conference ang mga magulang niya at larawan sila ng masayang pamilya. Natutuwa naman si Sarah na super support pa rin sa kanya ang mga magulang kapag alam nilang kailangan niya ang mga ito. So far maayos naman ang naging arrangement nila. Inaalalayan pa rin nila si Sarah sa mga pagdedesisyon pero hindi na gaya ng dati na ang nasusunod palagi ang mommy niya.

Napagkasunduan nilang hindi na rin sasama ang mga ito sa mga lakad ni Sarah kung hindi din lang sila kailangan. Naging seryoso din naman si Sarah na pag aralan at basahin mga kontrata ng mga bagong projects na gagawin niya. Matiyaga din siyang inaalalayan ng road manager niyang si Ms Chai, at kung hindi sigurado si Sarah ay tinatanong pa rin niya ang opinion ng mga magulang.

Hindi na rin nagsisi si Sarah sa naging desisyon niyang huwag ng umalis ng bahay nila. Naging masaya ang lahat. Ilang araw na rin ang nakakalipas at unti unti na ring nakakapag adjust mga magulang ni Sarah sa bagong sitwasyon sa bahay nila.

*****

"Saan bang restaurant tayo kakain? " Tanong ni Sarah kay Sam ng sunduin siya nito gaya ng usapan nila para sa dinner date nila that night.

"Dito lang din sa Quezon City, sa may Horshoe Village." Sagot ni Sam na abot tenga ang ngiti sa sobrang saya.

"Don't tell me sa Lemuria tayo kakain?" Nakataas ang kilay na tanong ni Sarah.

"Paano mong nalaman? Siguro madalas kayong kumain duon no? Kala ko pa naman ako pa lang makapagdadala saiyo duon." Medyo dis appointed na sabi ni Sam .

"Minsan pa lang kami kumainn duon, for fun lang. Para lang maranasan namin ang kumain sa really fine dining restaurant. Kung alam kong duon tayo pupunta , sana mas nagbihis ako ng maayos ayos." Biro ni Sarah na nakitaan din ng excitement.

"You look great Sars, no matter what you wear." Pag assure naman ni Sam sa dalaga.

"Yun naman eh.Galing mo talagang maka uplift ng confidence. Feeling ko napaka special ko naman para duon mo ako dalhin pwede namang kahit greenhills lang or rockwell bakit duon pa. Sakit sa bulsang kumain duon."

"You are special Sarah, don't you know that yet? I am really honored that you are going out with me tonight. For the first time since I've known you , this is the only time I am able to talk to you alone. No alalays, no road manager, no parents, no sister , just YOU. What else can I ask for? Least I can do is take you to the best restaurant in town."

Napangit si Sarah. "I am glad you feel that way. I feel good too. Finally , I can enjoy time with friends like you. Saka I owe you a lot din for always there. Naalala ko nung time ng Idol, isa ka din sa mga friends ko na nakatulong para makapag move on ako agad. Ngayon andiyan ka na naman.

Gusto na sanang sabihin ni Sam ang tunay na nararamdaman pero inisip niya, its not the right time yet.

"I will always be here, you need me or not." Nasabi na lang ni Sam

*****

Nag enjoy si Sarah sa french mediterranean dinner nila ni Sam. Dahil na rin cozy atmosphere ng restaurant ay dumaan ang oras ng hindi nila namamalayan. Nagkwentuhan lang sila ng kung ano ano. No pressure, kung ano lang ang pumasok sa isipan nila.

Nag-iisang IkawWhere stories live. Discover now