Chapter 40

9.7K 116 28
                                    

Sabay ngang pumunta ng ABS CBN ang dalawa gamit ang sasakyan ni Sarah. Si Kuya Don na ang nag drive. Tinawagan ni Gerald si Jalal na magkita na lang sila sa parking lot ng ABS CBN. Pinagbilin rin niya na tabihan ang sasakyan ni Sarah kung magagawa niya.

Habang daan ay sinabi na rin ni Gerald ang planong date nila ni Maja sa Valentine's day.

"How romantic naman. Ako kaya kelan magkakaroon ng ganoon ka bonggang date?" Nagbibirong tanong ni Sarah.

"Gusto mo sweetheart bukas na bukas din,"sagot ni Gerald.

"Romantic nga pero not worth it. Bigay mo na lang sa Cancer Warrior." Wala sa loob na sagot ni Sarah.

Natawa ng malakas si Gerald. Hinawakan ang kamay ng asawa at hinalikan.

"Anong nakakatawa duon?" Nakataas ang kilay na tanong ni Sarah.

"Yan din kasi ang sabi ko kay Ate Nhila ng sabihin niya sa akin about the date. Kaya naman halos lahat ng taong mapalapit saiyo, walang choice kung hindi mahalin ka. Nag iisa ka lang talaga sweetheart. Hindi mo namamalayan, ang daming tao ang nababago ang pananaw sa buhay dahil saiyo."

"Emo ang Babe ko, bakit?"

"Overwhelmed ako sa kababaan ng loob mo kaya naman hindi matatawaran ang loyalty ni Rayver sa atin. Sabi mo kanina, ang bait naman niya pero wala ng babait pa saiyo."

"Nakita ko naman kasi na sincere naman sila ng humingi ng tawad. Saka ano pa magagawa ko pare pareho kaming nag aalala saiyo, hinawakan ni Sarah ang kamay ni Gerald na nakahawak sa isang kamay niya, huwag na huwag mo ng uulitin yun ha."

"Sa susunod na gagawin ko yan, sisiguraduhin ko na hindi mo na malalaman." Makahulugang sabi ni Gerald.

Hinampas ni Sarah ang asawa." Subukan mo, kung hindi mauuna pa ako saiyo."

"Paanong mangyayari yun eh , hindi mo nga malalaman?"

"Kayong dalawa diyan, magtigil na kayo ha, ako kinikilabutan sa usapan ninyo. Pag hindi kayo tumigil , duon ko mismo ipaparada itong sasakyan sa maraming fans at bubuksan ko bintana." Banta ni Kuya Don ng hindi na matagalan ang usapan ng dalawa.

Kung may nakakaalam ng tunay na nangyayari sa relasyon ng dalawa si Kuya Don yun. Sa lungkot at ligaya, siya ang saksi ng lahat ng pinag dadaanan ng dalawa mula umpisa ng relasyon nila.

"Hala Babe, galit na si Kuya Don, tumigil ka na."

"Ikaw kasi," Natatawang sabi naman ni Gerald. Kuya Don, sinabi ko kay Jalal na sa parking lot na lang kami magkita. Sinabi ko din na tabihan tong sasakyan kung kaya niya pero kung nauna na siya, paki check din ha, please."

"Sige, tingnan ko. Mabuti pa text mo siya kung nasaan na siya para hindi na tayo maghanapan pa."

"Sige Kuya , text ko na siya."

Habang nag te text si Gerald ay pinag aaralan naman ni Sarah ang mga lyrics ng mga kantang kakantahin niya sa show sa iPad niya.

"Malapit na rin daw sila, baka nga daw mauna sila duon , kasama daw nila si Ate Nhila, may pag uusapan daw kami."

Napatingin si Sarah sa asawa? "Dapat ba akong kabahan diyan"

"Sweetheart, at this point of our relationship ,dapat ka pa bang kabahan sa nararamdaman ko para saiyo? Ikaw, kaya mo akong tiisin, ako ilang beses mo na bang napatunayan, hindi ko kayang wala ka sa buhay ko."

"Asus, kala mo lang yun. Hayan o tanungin mo si Kuya Don at si Manang."

"Pareho kayong ma drama!" Sagot ni Kuya Don sa dalawa na natawa na lang din.

*****

Nasa ABS CBN compound din sina Maja at Chito. Nahalata ni Chito na wala sa mood ang alaga.

"Girl, mukhang hindi maganda ang gising mo ah. Why do I have a feeling na hindi naging maganda ang intimate get together ninyo ng bisita mo kagabi "

"Yung gagong yun, pinahiya ako. Sa halip na aminin kung tutuo nga, sinermunan pa ako at nagmamadaling umalis na akala mo pipikutin matapos akong pagsabihan "

Nag-iisang IkawWhere stories live. Discover now