Chapter 43

8.3K 105 18
                                    

“Mukhang ang layo naman ng iniisip ni Jalal.” Narinig ni Jalal na sabi ni Sarah ng kalabitin siya ni Gerald. Matagal na pala siyang tinatanong ni Sarah. Hindi niya naririnig dahil nga nasa nakaraan ang diwa niya.

“Ha, ano nga yun? Pasensya na may naalala lang ako. Ano nga yung sinasabi mo?” Tanong ni Jalal kay Sarah na tiningnan niya sa overhead mirror. Nakangiti ito sa kanya.

“Wala, napansin ko lang na malayo iniisip mo. Ni hindi mo kami pinapansin.”

“Ano ba Bro ang iniisip mo. Kanina lang ang daldal mo,kung ano ano sinasabi mo sa akin , ngayon na nandito si Sarah bigla ka namang natahimik.  Bakit  ba?”

“May naalala nga ako ng makita ko kayong masaya na naman ang sweet sweet sa isat isa. Sino nga mag aakala na magkakabalikan pa kayo. Sana naman hindi na maulit yung dalawang beses na ninyong muntik muntikanan ng paghihiwalay. Itong pangalawa, tuwing mawawala ka ng matagal na hindi namin alam kung nasaan ka , pinakakaba mo kami. Alam mo ba yun?” Tanong nito kay Gerald.

Parehong nawalan ng kibo ang dalawa. Kahit silang dalawa kung maari lang ayaw na nilang maalala ang nangyari nuong una silang magkahiwalay. Hindi pa sila mag asawa nuon. Kinabig palapit ni Gerald si Sarah. “Hindi na tayo uli maghihiwalay di ba? We learned our lessons na di ba?”

“Did we? Sana nga huwag na uling maulit mga pagkukulang natin sa isat isa.” Yumakap din si Sarah kay Gerald

“Ibahin na nga natin topic, nalulungkot tuloy mrs ko dahil saiyo,” pabirong sisi ni Gerald kay Jalal.

“Eh kasi kayo, tahimik na nga akong nag iisip dito, pinakikialaman pa ninyo.” Pabiro ding sagot ni Jalal sa dalawa.

“Sweetheart, sabi ni Mommy dalawin naman daw natin siya sa GenSan. Kelan ka ba pwede?”

“Kumusta na pala siya? Hindi ba siya galit sa akin?”

“Si Mommy? Magagalit saiyo? Sa akin nga  yun nagagalit , hindi saiyo”

“Bakit naman siya nagagalit saiyo?”

“Binibiro lang kita.Hindi naman talaga siya nagagalit, pinapangaralan lang ako. Ganoon. Busy siya ngayon , dadalawin siya ng Kris TV kaya panay ang  pag aayos ng bahay. Pupunta kasi sa GenSan sina Ms Kris Aquino. Feature daw nila bahay ni Mommy. Huwag kang magtaka kung hindi ka man lang mabanggit duon ha. Baka mamaya panay si Kim at Maja mabanggit duon.”

“Bakit naman sila ang mababanggit?” Nakataas ang kilay na tanong ni Sarah.Lumuwag ang pagkakayakap sa asawa.

Nahalata yun ni Gerald kaya lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa asawa. “Alam mo naman na favorite topic ni Ms Kris si Kim di ba? Mapupuna sigurado nuon mga gamit na dating nasa bahay nalipat na duon sa GenSan.”

“Ganoon? Kelan pa? Ibig mong sabihin sa wakas n agkalakas loob ka na ring alisin yung mga Kim related item sa bahay mo?” Nangingiti ng tanong ni Sarah.

“Kaya nga pinapa renovate ko yung bahay di ba? Alam ko namang yun ang dahilan kaya halos ayaw mong pumupunta sa bahay sa Quezon City. This time, sinisigurado ko saiyo na lahat ng nanduon ay personal choice ko. Sana magustuhan mo.”

“Excited naman akong makita na yung bahay. Ano ano na mga ginawa mo?”

“Surprise na lang. Malapit na tayo.” All smiles na sagot ni Gerald.

“Ang daya mo naman. Jalal, palagay mo magugustuhan ko yung pagkaka renovate nung bahay?” Biglang tanong nito kay Jalal napangiti  na lang.

“Tingnan mo na lang. Baka masapok ako ni Gerald kung sasabihin ko saiyo. Mahirap na.”

Nag-iisang IkawWhere stories live. Discover now