Chapter 60

6K 82 27
                                    

Kinabukasan, sabay na umalis ang mag-asawa ng bahay. Ihinatid nina Sarah si Gerald sa condo sa Makati kung saan duon sila magkikita ng handler at road manager niya bago sila tumuloy sa meeting nila sa ABS CBN. Sina Sarah at ang mga magulang naman nito ay tumuloy sa Viva Office. May meeting din sila with Viva's big bosses.

"Let me know right away kung ano napag usapan ninyo ha," bilin ni Gerald kay Sarah bago bumaba ng sasakyan.

"Oo naman, ikaw din ha.Tawag ka kaagad," sagot naman ni Sarah.

Humalik sa pisngi ng asawa si Gerald at nagpaalam sa mga biyenan.

"Sige Ge, ingat," sagot naman ni Daddy Delfin.

Nanduon na sina Nhila at Peachy sa lobby, naghihintay kay Gerald. Laking gulat niya dahil anduon din si Maja at ang handler nito.

"Good morning ladies, kanina pa kayo? Late na ba ako? Akala ko naman maaga pa ako ng lagay na yun," isa isang bumeso sa mga dinatnan.

"Kadarating lang namin. Ayaw pa nga kaming papasukin ng istriktong doorman nyo," sagot ni Nhila.

"Buti na lang kasunod namin si Maja, nakuha sa sa lambing, kaya yun pinapasok din kami," dagdag naman ni Peachy.

"Aha, nakukuha pala siya sa lambing ha, remind me to put a complaint against him," biro ni Gerald.

Pinandilatan siya ng mata ni Maja, sabay irap.

Natawa si Gerald sa nakitang reaksyon ng dalaga. "Nagbibiro lang ako, ikaw naman. Sarah said hello pala, let her know daw kung kelan ka free, dinner daw tayo pagbalik niya galing ng Paris."

Umaliwalas ang mukha ni Maja. "Oo ba, miss ko na nga siya. Sana soon na, pwede ako tonight, kahit magkita lang kami para tuluyan ng mawala yung ilangan at sasabihin ko sa kanyang ako magbabantay saiyo habang nasa Paris siya."

"Ok, text kosiya, tara na muna sa taas, duonna tayo mag kuwentuhan."

"Sa wakas masisilip ko na rin ang place ninyo."

"Huwag kang mag-alala kahit kami ngayon lang din makakapasok sa unit nila." Sabi naman ni Nhila.

Humanga si Maja sa simple pero eleganteng decor ng unit nina Gerald at Sarah. Kitang kita ang mga personalities ng dalawa  unang pasok pa lang nila.

"Wow!"  Yun na lang nasabi nila. 

Nangiti si Gerald, pinaupo ang mga kasama. Tinanong kung ano gusto nilang inumin. Matapos maibigay ang mga sinabing gustong inumin ng mga bisita niya ay nag umpisa na silang nag usap usap kung ano mga dapat nilang sabihin at gawin sa meeting na pinatawag ng mga taong namamahala sa career nila. 

Natanggap naman ni Sarah ang text ni Gerald na nagsasabing anudon din sina Maja at Chito sa place nila. Napagkasunduan na rin nila na tutal ay free din naman si Sarah that night,  mag dinner na rin sila after , duon na rin sa condo, mag order na lang sila ng pagkain. Imbitahin na rin nila  sina Chito, Nhila at Peachy.

Pinatuloy na agad ng receptionist  sina Sarah  sa conference room. Anduon na raw sina Boss Vic at siya na lang ang hinihintay. 

Bumontong hininga ng malalim si Sarah, tumingin sa mommy niya. Pinisil ng mommy niya ang kamay , " huwag kang mag aalala anak, hindi ka pababayaan ng Ninong Vic mo. I am sure, he did everything he can para sa career at personal life mo."

"Alam ko naman yun Mommy, hindi ko lang talaga maiwasang kabahan."

Nanduon na nga mga taong involved sa pagpapatakbo ng career ni Sarah. Siya na nga lang ang hinihintay. Bumati sina Sarah, Mommy Divine at Daddy Delfin sa mga dinatna. Bumeso si Sarah  kay Boss Vic na ninong din nila ni Gerald sa kasal. 

Nag-iisang IkawWhere stories live. Discover now