Chapter 30

8.8K 103 27
                                    

"Hi Ge!" Masayang bati ni Maja kay Gerald na nagulat. Nilingon kung saan nanggaling ang boses at kitang kita sa mukha ang pagka dismaya ng makitang tama ang kutob niyang si Maja nga ang bumati sa kanya.

Hinanap ang mga kaibigan na supposed to be ay magbabantay sa kanya para hindi siya malapitan ng solo ni Maja. Naharang pala ng mga fans at hindi sa kalayuan ay nakita niya ang nakangiting handler ni Maja. No doubt na pawala ng mga ito ang mga fans na nagkakagulo kina Rayver at Enchong.

"Hi Maja, ano balita? "Pormal na tanong sa masayang masayang dalaga na parang naghihintay ng beso from him pero walang balak na gawin yun ni Gerald. Wala ito sa mood. Gusto niyang mapag isa at makapag isip kung paano siya makakapasok sa dressing room ni Sarah.

"Gusto ko lang ipaalala saiyo yung jogging natin sa UP right after the show. Dapat papunta na tayo ngayon duon."

"F...! " Hindi nakatiis na nasabi ni Gerald. Nakalimutan niya yun totally."

"Naku Gerald ha, don't say bad words baka mamaya iba madinig ng mga fans. Malambing na humawak sa braso ni Gerald si Maja. Humalik sa pisngi ni Gerald dahil alam niyang may mga fans na nakatingin sa kanila.

Napatingin si Gerald sa mga fans sa hindi kalayuan at lalo ng nakaramdam ng pagkainis kay Maja sa obvious na gainagawa nito.

"Anong ginagawa mo?" Pigil ang galit na tanong nito kay Maja.

"Naglalambing saiyo mahal, ano pa? Let's go!" Malakas nitong sagot kay Gerald halatang ipinaparinig sa mga fans na nakatingin at kinikilig sa kanila.

Hindi makakilos si Gerald sa kinatatayuan. Hindi makapaniwala sa pinaggagawa ng babae sa tabi niya. He wanted to shake her badly para magising sa kung anumang kahibangan ang naiisip nito.

Malambing na namang pumalupot mga kamay ni Maja sa bewang ni Gerald. "You better play along or I swear mas malala pa dito ang gagawin ko." Bulong nito kay Gerald , nakangiti pero ramdam ni Gerald na hindi ito nagbibiro.

Yun ang nakita ni Matteo at Jessy. Kilalang kilala na ni Matteo ang mga expressions ng mukha ni Maja. Si Jessy, kilalang kilala din niya expression ni Gerald. Kinalabit ni Jessy si Matteo. "Yung ex mo mukhang may nabiktima na naman. Tingnan mo naman ang expression ng mukha ni Gerald, kung pwede lang itulak na niya si Maja, ginawa na niya. Bago pa nakakilos si Matteo ay nakalapit na si Jessy kina Gerald at Maja.

"Hi Gerald, , hi Maja. Ge pwede kitang makausap sandali.?"

Nakahinga ng maluwag si Gerald at pasimpleng inalis ang pagkakayakap ni Maja sa bewang niya.

"Oo naman, lumapit kay Jessy, ano ba yun?

HInila ni Jessy , palayo kay Maja si Gerald. Binulungan ito. "Wala naman akong sasabihin tagala, nahalata ko lang na kailangan mo ng tulong. Sa expression mo lang , nakikita ko ng kailangan mo ng rescuer."

Naiwan naman sina Matteo at Maja na nagkatinginan na lang. "Hi Maj, kumusta na?" Medyo naiilang na tanong ni Matt.

Isang pilit na ngiti lang ang sagot ni Maja, kung pwede lang sigurong sabunutan niya si Jessy , ginawa na niya

"You are an angel Jess. Thank you!! " Halos halikan ni Gerald ang dalaga. Nilingon nito si Maya. "Magkita na lang tayo duon, may aasikasuhin pa ako. I will be there on time." Kinawayan si Matt .

Yun naman ang cue ni Matteo para lumapit na kay Jessy. "See you around Maj." Sabi ni Matt at masaya ng naglakad palayo kay Maja ang dalawa.

Naiwan si Maja na nagpuputok ang kalooban.

"Mukhang pinagkakaisahan ka ng pagkakataon at ng mga taong lihim na inis saiyo ah." Umiiling na bulong ni Chito , ang handler ni Maja na lumapit sa dalaga para hindi naman magmukhang kawawang naiwang nakatayo sa hallway.

Nag-iisang IkawWhere stories live. Discover now