Chapter 23

8K 87 13
                                    

Kinabukasan sumabog nga ang balita tungkol sa sigawang naganap sa taping ng soap nina Gerald. Sari saring speculations. Marami ang nagsabing baka hindi na matuloy ang teleserye dahil sa naganap na pag walk out ni Maricel.

Marami pa nga ang nagsabi na galit daw si Maricel kay Gerald dahil sa pagiging womanizer nito. Meron naman nagsabing wala sa lugar si Maricel. Meron daw itong problema controlling her emotions. May problema daw ito sa anger management.

Naging usap usapan din sa side naman ni Sarah ang statement song niya at ang pagiging masaya na naman ng aura niya.

Gaya ng latest issue kay Gerald, halo halo din ang opinion ng mga fans. Maraming fans ng AshRald ang natuwa. Nagkapag asa na in time kung may problema man ang dalawa, maaayos din nila yun dahil naniniwala silang mahal pa rin ng dalawa ang isat isa.

Hindi din syempre mawawala mga fans na naniniwalang masaya na si Sarah dahil naka move on na ito pero majority ay naniniwalang ang statement song ng dalaga that Sunday ay para kay Gerald.

Ganoon din ang naramdaman ni Sam at Maja na nanood ng show.

*****

"Mahal pa rin talaga niya si Gerald." Himutok ni Sam sa kausap sa phone.

"Wala kang magagawa my friend. Alam naman natin na mahal talaga nila ang isat isa." May lungkot din ang boses ni KC.

"Why do I have a feeling, whatever differences they have, they already talked about it and settled with an agreement of some sort?"

"Sad to say, I feel the same."

Narinig ni KC ang malalim na pagbuntong hininga ng kaibigan sa kabilang linya.

"Ano? Mukhang suko ka na? Ang lalim ng buntong hininga mo ah!"

"Masakit mang aminin, mukhang wala talaga akong pag asa sa kanya. Hanggang kaibigan na lang talaga ako sa kanya."

"Are you saying na itutuloy mo na rin yung balak mong panliligaw kay Shaina.?"

"Hindi pa rin siguro but will try to go out more. Will try to tell myself, all I'll ever be to her heart is being a dear friend."

"I hear you my friend. Sige from now on hindi na kita tutuksuhin sa kanya para maka move on ka na rin.'

"Thanks Kace, but not totally. I still want to hang out with you guys."

"Oo naman, will plan a get together kahit once a month man lang."

"Would love that.

*****

"See? Tama ako! Fiesta na naman sa twitter kagabi pa dahil sa statement song mo. Sarili mong mga fans nagkakainisan dahil sa ibat ibang interpretation ng kinanta mo." Mahabang sabi ni Chai.

"Maa'm Chai naman,kumain ka na muna. Bakit kasi nagbabasa ka pa." Lambing ni Sarah sa road manager niya habang inaayos ang lunch nila, supposed to be no work siya that day pero dahil aalis sila kinabukasan papuntang New York, dinala nito ilang papers na dapat niyang pirmahan.

"Kailangan kong magbasa para malaman ko kung ano iniisip ng mga fans mo." Mabilis na sagot ni Chai.

"Hayaan na lang muna natin silang mag speculate. Kahit naman ako hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko di lalo na sila." Nawala ang sigla sa boses at mukha ng dalaga.

"Sarah? I don't mean to sound annoyed. Nag aalala lang ako baka maapektuhan ang image mo sa mga nangyayari saiyo ngayon. Lumalabas conflicting ang sinasabi mo sa nakikita nila saiyo."

"Alam ko naman yun, hindi naman ako nakipagbalikan sa kanya."

"Hay ewan ko saiyong bata ka. Nabalitaan mo na ba yung nangyari sa kanila ni Maicel?"

Nag-iisang IkawWhere stories live. Discover now