Chapter 17

8.1K 98 43
                                    

Pababa na si Sarah ng sasakyan ng mag ring ang phone niya. Mommy niya ang tumatawag. Sinagot na muna ni Sarah ang tawag bago siya bumaba.

"Hello mommy!" Masiglang bati ng dalaga.

"Hello anak, pauwi na ba kayo? Hinihiintay ka namin for dinner. Andito mga kapatid mo, pambihira na tayong mag kasabay sabay kaya sabi ng daddy mo hintayin ka na namin. Mahihintay ka ba namin within an hour?"

Napatingin si Sarah sa driver niya. "An hour? Ulit nito na parang humihingi ng idea kay Kuya Don.

Tumango naman ang mabait na driver.

"Sige mommy, baka naman gutom na kayo nuon. Medyo gabi na ah."

"Ok lang anak, basta huwag ka namang pa abot ng 10 ha. Pilitin mong nandito ng 9, magmeryenda muna kami."

"Sige mommy, may dadaanan lang ako then uuwi na kami. See you in an hour."

Matapos ang pakikipag usap sa mommy niya ay sinabi sa driver niya na huwag ng lalayo.

"Change of plan tayo kuya. Silipin ko lang kung nanduon siya at masermunan ng kunti na hindi siya sumasagot sa mga tawag at messages niya."

"O sige, park ko lang ng maayos para hindi tayo takaw pansin."

Bago pumasok ay kumatok muna si Sarah sa pintuan. Pinakiramdaman kung may tao. Naririnig niyang nakabukas ang tv pero walang sumasagot sa katok niya.

Kinuha ang susi niya at maingat na binuksan ang pinto.

Nakabukas nga ang tv pero walang tao sa sala. Nakita din niya cell phone ni Gerald nakapatong sa coffee table.

Pinatay ni Sarah ang tv at dahan dahang pumunta sa kwarto.

Tumulo ang luha ng dalaga ng makita ang binatang nakatulugang yakap yakap ang picture frame. Kahit mahimbing ang tulog nito ay kitang kita ang paghihirap ng kalooban sa mukha nito.

"Babe naman bakit mo ba pinahihirapan ang loob mo ng ganito? Di ba moving forward na tayo?"

Gustong gusto niyang yakapin at halikan ang natutulog na binata pero pinigil niya ang sarili. Alam niya pag nagising ito , mahihirapan na siyang umalis kaaagad. Minabuti niyang huwag na lang magparamdam. Kahit paano alam na niyang ok naman ito at hindi naman lasing.

Dahan dahan na itong lumabas ng kwarto at maingat na sinara ang pinto. Lumuluhang nag text kay Nhila at sinabing nasa condo nga si Gerald at tulog na tulog. Mukha naman itong hindi lasing. Pinakiusapan na rin niyang huwag ng ipaalam kay Gerald na pumunta siya sa duon para i check kung ok siya o hindi.

"Bakit naman Sarah. Kailangan niyang malaman na kahit paano mahalaga pa rin siya saiyo."

"Hayaan mo munang mag usap uli kami Ate Nhila. Magulong magulo pa rin ang isip ko pero aaminin ko na mahal ko pa rin siya. Nag aalala ako sa kanya, tutuo yun pero hanggang hindi maliwanag ang lahat sa akin, ayaw kong malaman niya na naghihirap din ang kalooban ko."

*****

Sinabi lang ni Sarah kay Kuya Don na nanduon nga si Gerald sa condo , tulog na tulog. Sinabi niyang hindi na niya ito ginising.


"Bakit naman hindi mo ginising. " Tanong ni Kuya Don.


"Hinayaan ko na siyang makatulog Kuya. Mukhang kailangan niyang magpahinga. Haggard na haggard ang mukha. Naaawa nga ako. Pag nagparamdam pa akong nanduon baka hindi tayo makauwi on time. Naghihintay sina mommy for dinner. Gabi na nga di ba? Kailangan nanduon tayo ng 9, kaya ba kuya?"


"Kaya natin yan." Confident na sabi ni Kuya Don.


Hinayaan na ni Kuya Don ang pananahimik ni Sarah. Kahit na gustong gusto niya itong tulungan hindi niya alam kung paano. Hindi na ito kumibo hanggang sa makarating sa bahay nila. . Alam nito kung gaano naghihirap ang kalooban ng dalaga. Matagal na siyang driver nito at kilalang kilala na niya ang amo.


Alam din niyang maraming gustong manligaw dito. Ilang beses na nga ba siyang nilapitan ng mga kilalang artista , huminhingi ng tulong para mapalapit sa dalaga. May ilan pa ngang pati sa kanya ay nanunuyo pero sinabihan niya ang mga ito ng diretsahan na kung may gusto sila kay Sarah, sila mismo ang gumawa ng paraan para mapalapit sa dalaga dahil wala siyang maitutulong sa mga ito. Ayaw niyang mabawasan ang tiwala ng mga Geronimo sa kanya lalong lalong lalo na nina Mommy Divine at Daddy Delfin. Napakabait ng mag asawa sa kanya. Hindi na siya tinuturing na iba. Actually silang lahat na kasama sa bahay ng mga Geronimo kaya hindi nila maintindihan kung saan nanggagaling ang mga lumalabas na masasamang intriga laban kay Mommy Divine. Tutuong mahigpit ito sa mga lalaking may gusto sa mga anak na babae pero para sa kanila normal lang yun lalong lalo na sa kalagayan nila at lalong lalo na kay Sarah.

Nag-iisang IkawWhere stories live. Discover now