Chapter 36

11.7K 110 70
                                    

Tumayo na si Sarah para mag shower. Kailangan na niyang magmadali. In less than 2 hours anduon na ang sundo niya. Tiningnan ni Gerald oras. Bumangon na rin ito. Susundan sana nito si Sarah sa bathroom pero maagap siyang sinabihan ng asawa.

"Uh uh, nope, you are not coming in here with me. I am in a rush. Pag sumabay kang mag shower, lalo na akong kukulangin sa oras. Yang ngiti ngiti mo na lang na yan," natatawang sabi ni Sarah.

Napakamot na lang sa ulo si Gerald. "Akala ko makakalusot. Sige you get ready, mamaya pa naman call time ko, will get ready our breakfast."

"Thank you, I love you Babe, pero nakakahiya pag na late ako eh mga kasama ko ngayon sa scenes mg veteran actors. "

"Pwede naman kitang ihatid kung gusto mo, huwag mong papuntahin si Kuya Don. Duon na lang kayo magkita sa location."

"Huwag na muna, sige na , have to take my shower na." Pumasok na si Sarah sa bathroom.

Pagkasara ni Sarah ng pinto ay pinakiramdaman ni Gerald ang shower.Sinubok niyang buksan ang pinto ng marinig na ang tubig na galing sa shower. Nagbabakasakaling hindi ni lock ni Sarah ang pinto. No luck, naka lock ito.

Naiiling na nangingiting nagsuot ng sweat pants. Nagpunta sa kusina at nag umpisang magprepare ng breakfast nila. Masaya siyang nalulungkot. Nalulungkot dahil ilang araw na naman silang hindi magkikita ng asawa. Magiging busy na uli sila sa sari sariling mga schedules. Siya sa Pampanga pa ang location. Si Sarah naman magiging busy sa rehearsal at shootings isama pa mga photoshoots at tv commercial shoots nito.Naaawa na rin siya minsan sa sobrang hectic ng schedule nito pero alam niyang masaya ito sa ginagawa. Mas masaya ito pag busy siya. Masaya dahil kahit na paano makakapag usap na uli sila, at welcome na uli siyang pumunta sa bahay nila Sarah. Pwede na uli siyang matulog duon gaya ng dati. Higit sa lahat, pwede na rin uling umuwi si Sarah sa condo pag hindi ito masyadong busy sa trabaho. Hindi man niya makasama araw araw ang asawa, nagkakaintindihan na sila.

Napangiti ito ng maalalang hindi na sila gumamit ng contraceptives. Anoman ang mangyari, handa na nilang harapin ang mga consequences. By that time, ipinapanalangin niya na sana maayos na rin nila mga differences nila with their respective managements.

Nag iisip din si Sarah habang nag sho shower. Malaking palaisipan kay Sarah si Maja. Pinanood at binasa niya mga interviews kay Kim regarding Maja and Gerald. Si Maja hindi nga masyadong nag sasalita pero parang gusto din niyang paniwalaan ang mga sinasabi ni Kim. Isang malaking palaisipan sa kanya ang reaction ni Kim at ang mga sinasabi nito. Ganoon ba talaga si Maja? Nuong nag guest ito sa show niya, wala naman siyang napapansin. Nakikitukso pa nga ito pag nababanggit si Gerald sa back stage. Nuong una in denial talaga siya sa mga kung ano anong itinatawag ng mga fans sa kanya. Naaawa siya dito pero bakit nga ba walang magtagal na boyfriend ito. Gaya ni Matteo, napakabait nito at mahal na mahal siya. Saka bakit kung sino sinong lalaki ang nauugnay sa kanya? Kailangan ba talaga niyang maging maingat sa pakikitungo sa dating kaibigan? Dati na nga ba?Dati na nga ba? Hindi na nga ba sila magkaibigan ngayon ni Maja?

*****

"Ano gagawin mo ngayon girl? Siguradong talo ka na sa pustahan natin. Wala ng reason si Gerald para magkunwari na may relasyon kayo. Mawawala na ang ang show ni Sarah." Nakangiting balita ni Chit kay Maja.

"Huh, kala mo basta basta na lang siyang makakaurong sa kasunduan? Ano gagawin nila akong mas kawawa? Hindi pwede yun no? Gaya ng sabi ko na saiyo nuon, hindi nila alam kung sino ang kinakalaban nila. Ahas na kung ahas pero kung ano ang narating ng career ko ngayon, yan ay dahil na rin mga paraan ko." Nagngingitngit na sabi ni Maja habang tinitingnan ang sarili sa salamin.

"Ano ba plano mo girl? Ang alam ko may mga schedules pa rin kayong lakad kuno. Pinaka bonga yung sa Valentine's Date ninyo. Hulaan mo kung ano? Si Mr. M mismo ang nag suggest kung paano mapapansin ang date ninyo ng media."

Nag-iisang IkawWhere stories live. Discover now