Chapter 6

4.5K 48 1
                                    

Matapos bumeso at magpasalamat uli ay umalis na si Sam. Pagpasok ni Sarah sa kwarto niya ay nag text siya agad kay Jalal.

"Nakauwi na ba si Ge?"

"Wala pa, nag aalala na nga kami, nakita mo ba siya?" Reply ni Jalal.

"Ano gamit niyang sasakyan? Yung motorcycle ba?"

"Oo, saan mo siya nakita?"

"Siya nga yung nakita ko sa restaurant kanina paglabas namin ni Sam."

"Saang restaurant?"

"Sa Lemuria , dito din sa Quezon City."

"Sa Lemuria, nag dinner kayo ni Sam Milby?"

"Oo, text mo ako pag dumating na siya ha , please. Kahit ganoon yung lokong yun , nag aalala din ako. Hindi ba yun nakainom?"

"Baka umiinom na yun ngayon kung saan man napadpad. Alam mo bang matagal ka na niyang gustong dalhin sa Lemuria? Nuon sanang birthday mo duon kayo mag di dinner."

Nagsisikip ang dibdib ni Sarah. Naiintindihan na niya ngayon kung bakit masyadong apektado si Gerald ng malamang duon sila nag dinner ni Sam lalo pa at alam na nito na sila lang dalawa ang lumabas.

"Saan kaya yun? Mas malapit pa nga Lemuria diyan sa place ninyo kesa dito sa amin. Dapat andiyan na siya ngayon."

"Sarah , baka naman pwedeng tawagan or text mo siya para lang malaman natin kung nasaan siya. Kanina pa namin siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot. Baka pag nakita niyang ikaw ang nag text , sumagot."

Hindi naka reply agad si Sarah. Nag iisip siya.

"Please Sarah, pati si Tita Vangie, nag aalala na rin."

"Sige subukin ko , will text you back pag sumagot siya."

Huminga muna ng malalim si Sarah bago nag type ng message kay Gerald.

"Nasaan ka na? Wala ka pa daw sa bahay nyo?"

Hindi humihinga si Sarah habang hinihintay ang sagot ni Gerald.

Biglang nag ring ang phone niya.

Ge is calling.....

"Nag aalala ka din pala sa akin."Nahalata na agad ni Sarah na nakainom na naman ito.

"Napapadalas yata ang inom mo?" Nasaan ka na ba?"

"Why do you care? Di ba sabi mo wala ka ng pakialam sa akin? Pinapanood ko sa you tube ang interview saiyo ng tv patrol nuong Thursday , yung sa thanksgiving dinner mo for the press."

"Tell me , nasaan ka? Gusto ko lang malaman kung nasaan ka para masundo ka nina Jalal, kanina ka pa nila tinatawagan , hindi ka daw sumasagot.

"Nasa bahay ng isa sa mga babae ko." Lasing na sagot ni Gerald.

"Ge ha, huwag kang ganyan," napataas ang boses ni Sarah.

"Ngayong ako na mismo nagsasabi saiyo , ayaw mong maniwala."

"Just tell me where you are please. If you are in a house then please don't go riding your motorcycle intoxicated."

"What happened to us Baby Girl. Where did our love to each go? Bakit ang dali dali mo akong pinalitan? Ang tagal tagal kong naghintay , ang tagal tagal kong pinangarap na sana makasama kita sa mga ganoong intimate dinner na tayo lang dalawa na hindi nagtatago. Si Sam pala ang nakapakaswerteng lalaki. Si Sam na ba ang tinutukoy mo sa press conference mo? Ang sakit sakit naman ng ginawa mo sa akin. Kahit naman kelan , wala akong sinabing masama sa parents mo. Sa lahat ng mga interviews sa akin , wala akong ibang mga sinabi kung hindi panay paggalang sa kanila. Wala akong matandaang sinabi laban sa kanila."

Nag-iisang IkawOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz