Chapter 26

10.3K 88 14
                                    

Naging very busy sina Sarah sa New York. Sagad sagarang shooting agad sila. Nagpapasalamat na lang sila na hindi sila nagkasakit. Napakalamig duon ng nanduon sila. Walang nasayang na oras habang nanduon sila. Isinisingit pa rin nila ang pamamasyal in between shoots. Pambihira din kasing makararanas si Sarah ng ganoong weather. Pag wala siyang shooting ay nakikibonding naman sila ng Mommy niya sa mga kamag anak nilang nasa New York. Naging smooth sailing ang mga shootings nila at gaya ng inaasahan ng marami, mas naging at ease na uli sina Sarah at JLC.

Habang nanduon sila ay panay din ang palitan nila ng text messages ni Gerald, Matt at Sam.

Alam niyang very busy si Gerald sa shooting nito ng OJT. Alam na rin niyang kasama na sa cast si Maja. Si Sam naman ay panay ang kwento tungkol sa bago nitong teleserye kasama sina Angelien at Paolo. Si Matt naman ay mga simpleng paramdam lang.

Si Gerald naman kahit na miss na miss na niya si Sarah ay inabala ang sarili sa trabaho. May ilang beses din na lumabas sila nina Maja pero sinigurado niyang lagi silang napapaligiran ng mga kaibigan. Maging si Nhila ay naging vigilant na rin sa pagbabantay kay Gerald pag nasa paligid si Maja.

Ngayong nakakasama na nila madalas ang dalaga, mas nakikita na nito ang tunay na nito ang tunay na ugali ng naturingang dance princess. Habang tumatagal , nawawalan siya ng tiwala at gana dito.

*****

"Nakakatuwa naman si Dondon no? Popsters talaga ang peg." Natatawang sabi ni Ali habang nanonood sila ng SGL. Tingnan mo naman ang smile, hindi mawala."

Nagtatawanan mga kasama nilang nanonood. Natutuwa sila sa nakikitang genuine na saya sa mukha ng sikat na basketball player na aminadong sobra ang paghanga kay Sarah.

"HIndi ka ba kinakabahan Ge na mula ng lumabas ang balitang break na kayo ni Sarah, lalong dumami ang naglabasang gustong manligaw kay Sarah. May balita pang meron daw mayamang Japanese businessman na masugid na nanliligaw din ngayon sa Baby Girl mo." Dagdag na tukso pa ni Ali.

Napatingin sila kay Gerald na walang kibong nanonood.

"Ge, alam mo ba yung bulung bulungan na baka si Matteo ang pumalit kay Luis na co host ni Sarah sa SGL?" Tanong ni Nhila.

"Nabanggit na ni Gerome nuong minsang magkita kami." Matamlay na sagot ni Gerald.

"Hindi ka ba kinakabahan? May nakapagbulong din sa akin na nuong bago pumunta si Sarah sa New York , dumalaw si Matt sa kanila. Mukhang this time , talagang itutuloy na ni Matteo ang panliligaw niya."

"Wala naman akong magagawa di ba? Alam naman ng lahat na kahit nuon pa, may gusto na si Matteo sa kanya."

Naaawang nilapitan ni Nhila ang alaga. "Kumusta ba kayong dalawa? Nagkakausap man lang ba kayo?"

Buntong hininga lang ang sagot ni Gerald.

Nakuha na agad ni Nhila na ayaw pag usapa ng alaga kung anuman ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Sarah. Hindi naman niya ito masisisi.

"Ano kaya ang statement song niya tonight?" Excited na tanong ni Peachy.

Napangiti ang lahat ng marinig nila ang spiel at statement song. Napatingin sila kay Gerald.

"Matatagalan pa bago makakita ng pag asa ang mga karibal mo Ge. Sana lang hindi pa maging huli ang lahat at maayos mo on time." Nasabi na lang ni Fred.

Tiningnan lang ni Gerald ang kaibigan. Siya man ay kinakabahan at hindi na rin niya alam ang gagawin. Habang tumatagal, lalong lumalalim ang pagkukunwari nila ni Maja. Sa nakikita at nararamdaman niyang kinikilos ni Maja lately pag magkasama sila, natatakot siyang baka nadadala na ang dalaga sa supposed to be na relasyon nila. Napapansin niya na kahit wala ng mga reporters sa paligid ay sweet pa rin ito sa kanya at lagi pa rin siyang inaalala at madalas na rin itong mag text sa kanya. Pinapaalala na kumain na siya, na mag ingat siya. Ginagawa nito ang dating ginagawa ni Sarah. Lalo tuloy niyang na mi miss ang Baby Girl niya. Tama si Ate Nhila, dapat akong mag ingat at dapat ko ding ipaalala kay Maja na pag ' ng reporters sa paligid ay hindi na niya kailangang magkunwaring kami na.

Nag-iisang IkawWhere stories live. Discover now