Chapter 37

10.3K 112 29
                                    

Nag uusap sina Gerald at Nhila sa opisina ng Star Magic. Napansin ng handler na iba ang aura ng alaga.

"Mukhang masaya ka in a quiet way. May gusto ka bang ikwento? Bakit maghapon kitang hindi makontak kahapon? Nasaan ka ba?"

"Maaga akong nagpunta sa bahay nina Sarah." Sagot ni Gerald.

Napatayo sa pagkakaupo si Nhila. Hindi makapaniwala sa narinig. "Pumunta ka duon? Pinapasok ka naman?"

"Oo naman, tinawagan ako ni Mommy , siya ang nagpapunta sa akin duon. Gusto daw nila akong makausap ni Daddy.

"Mommy D and Daddy Delfin?" Nanlalaki ang matang tanong ni Nhila. Hindi pa rin makapaniwala.

"Huwag kang masyadong maingay. Sa atin atin muna ito. Oo, sila nga. Kinausap nila ako. Kinausap na rin daw sila ni Sarah. Nagpaalam, sinabi na daw sa kanila ng asawa ko na she will give me another chance." Kitang kita sa mukha ni Gerald ang saya kahit pinipigil itago.

Sa tuwa ni Nhila para sa alaga ay nayakap niya ito. Hindi napigilan ang maluha. "I am really happy for you. Happy para sainyong dalawa."

"Thank you ate," alam ko naman na isa ka sa mga tutuong nagdadasal na magkaayos na kami."

"Dahil alam ko kung gaano ninyo kamahal ang isat isa. Wala lang talaga akong magawa."

"Lahat naman tayo at some point , walang magawa. Kung kaming dalawa , hindi din naman alam kung paano aayusin ang buhay namin ng walang maraming masasaktan. Ang hirap ipaliwanag ang mga pangyayari sa buhay namin. Sa gulo nito daig pa ang soap opera."

"Mapagbiro talaga minsan ang buhay no? Sino mag aakala na ang biru biruan at inosenteng pustahan ay mauuwi sa pagmamahalang halos ikamatay ng isa diyan." Nagbibiro ng sabi ni Nhila.

Malalim na buntong hininga ang pinawalan ni Gerald. Naalala ang mga pinagdaanan nila ni Sarah. Sino nga ba ang mag aakala na sa ganoon hahantong ang lahat.

"Napakaswerte ko sa kanya Ate. Hindi ko alam kung paano ako naging napaka swerte na ako ang minahal niya sa kabila ng lahat kaya naman kahit na anong parusa ang gawin niya sa akin, tatanggapin ko bumalik lang siya uli sa akin. Ngayon na binigyan niya uli ako ng isa pang pagkakataon, kahit ikasira ng career ko, gagawin ko para lang mapatunayan ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. She deserves that kaya pinag iisipan kong mabuti kung paano kami aamin na hindi naman magagalit ang mga fans niya sa kanya."

"Maalala ko , may lalabas na press release na nakita kayo ni Maja sa campus ng Ateneo. Kunwari ay tour mo siya sa campus dahil duon ka magpapatuloy ng pag aaral mo."

"Di ba cancel na yung pagpunta ko sa Ateneo. May shooting ako that day. Ikaw pa nagsabi sa akin."

"Oo nga sinabi ko na sa kanila pero nailabas na yung press release na yun kaya sabihin mo kay Sarah na press release lang yun bago pa maging issue na naman sa pagitan ninyo. Nasabi mo na ba sa kanya ang tungkol kay Maja?"

"Oo ate, sinabi ko na, napag usapan na namin ang tungkol kay Maja."

"Mabuti naman. Mag iingat ka sa kanya ha, hindi ko gusto ang mga ikinikilos niya lately. May duda ako na ikaw ang next target niya after Piolo."

"Super ingat na nga ako Ate. Tulungan mo din naman ako , please. Basta may supposed to be lakad kami, make sure na you are around too ha, please." Request ni Gerald sa handler niya.

"Ang main reason pala kaya kita pinapunta dito ay tungkol sa date ninyo sa Valentine's Day. Super bongga ang pina reserved nilang date ninyo."

"Valentine's Day?" Please naman Ate, huwag naman sa mismong araw na yun. Gusto ko namang ang asawa ko kasama ko that day.

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon