chapter 13

9.6K 78 6
                                    

Bago matulog ay lumabas ng kwarto niya si Sarah. Tiningnan kung gising pa ang mga magulang. Nakita niyang bukas pa ang ilaw sa kwarto ng mga ito. Kumatok si Sarah at pumasok ng marinig ang boses ng daddy niya na sinabing pasok.

"O anak, ikaw pala, halika pasok." Anyaya ni Daddy Delfin kay Sarah.

"Magpapaalam po sana ako sainyo baka pag alis ko bukas tulog pa kayo. Susunduin po ako ni Sam ng maaga. Mamasyal po kami sa Tanay. Motor bike po." Tuloy tuloy na sabi ni Sarah bago pa may masabi ang mommy at daddy niya.

Nagkatinginan ang mag asawa.

"Mukhang napapadalas yata ang pagsasama ninyo ni Sam anak. Nanliligaw na ba siya saiyo?" Tanong ni Daddy Delfin.

"Alam namin , matagal ng may gusto si Sam saiyo. " Dagdag naman ni Mommy Divine na binaba ang binabasa.

"Nagsabi na po siya ng nararamdaman niya pero sinabi ko naman po sa kanya na hindi pa ako handang pumasok uli sa isang relasyon . Ayaw ko naman po siyang paasahin, Malapit po ang loob ko sa kanya pero bilang kaibigan lang sa ngayon. "

"Paalala lang itong sa amin anak ha. Nangako kami na hindi na kami makikialam sa mga desisyon mo lalong lalo na when it comes sa personal or lovelife mo. Mabait si Sam. Isa sa pinakamabait na kasamahan mo sa industriya. May tiwala kami sa kanya pero bago pa nangyari ang mga lumabas na intriga tungkol kina Maja at Gerald, may mga lumabas ng balita na gustong ligawan ni Sam si Shaina. Inamin niya na lumalabas na sila." Kwento ni Mommy Divine kay Sarah na nagulat sa narinig.

"Ganoon po ba? Dapat pala hindi na ako sumama sa kanyang lumabas dahil may nililigawan na pala siyang iba.

"Sabi naman niya anak , hindi pa siya nanliligaw. Balak pa lang. "

"Ganoon na rin yun Mommy , di ba ganoon din sinabi ni Gerald about Maja?"

Nagkatinginan ang mag asawa. Nakita na naman nila ang lungkot sa mukha ng anak.

"Iba naman si Sam kay Gerald anak. Let him say his side of the story. Alam mo naman kahit nuon pa na mahal ka niya di ba?"

Hindi kumibo si Sarah. Nahiga ito sa tabi ng daddy niya na parang bata. Yumakap ito at pinikit ang mata.

"Ang anak ko, kaya mo to anak. Marami kaming nagmamahal saiyo. Alam naman natin na minahal ka din ng tutuo ni Gerald. Hindi pa nga lang siguro panahon para sainyong dalawa. Alalahanin mo ang sabi ng matatanda, kung talagang ukol , bubukol. Hindi man siguro sa ngayon , kung talagang nakalaan kayo para sa isat isa, tadhana na mismo ang gagawa ng paraan para magtagpo uli ang landas ninyo. Malay mo pag dumating ang panahon na yun, pareho na rin kayong handa, lahat tayo handa na."

"Ewan ko daddy, ang sakit sakit pa rin. Kanina lang parang nag sink in talaga na wala na kami kahit ilang buwan na kung tutuusin na wala na kami. Kanina lang. Sorry pala sa inasal ko kanina sa show. Nakakahiya."

"Tapos na yun anak , hindi na natin pwedeng bawiin pa , pilitin na lang natin na huwag na uling maulit pa." Sagot ng daddy ni Sarah

"I will try my very best daddy. Mommy, ok lang na sumama pa rin ako kay Sam mamasyal bukas, nakatango na ako eh."

"Mag iingat ka lang anak ha lalo na motorbike riding yun. Rough roads papunta duon balita ko very steep pa nga yata paakyat. I am sure iingatan ka ni Sam pero maganda na rin yung nag iingat."

"Opo mommy, mag iingat po ako. Maaga po niya akong susunduin , andito daw po siya ng 7. Huwag na po kayong bumangon , maaga pa yun para sainyo. Ako na po bahala."

"Sige anak, mag ingat kayo ha. " Hinalikan ni Mommy Divine si Sarah sa pisngi na nakayakap pa rin sa daddy niya. "Diyan muna kayo , silipin ko lang si Gab, baka hindi pa yun natutulog , maaga pasok nun bukas."

Nag-iisang IkawDove le storie prendono vita. Scoprilo ora