Chapter 25

10.7K 97 38
                                    

Hihiga na sana si Sarah ng marinig niyang nag buzz ang phone niya.

"Sana kahit na imposible makasama kita sa breakfast bago ka pumunta ng New York."

Hindi na sinagot ni Sarah ang text ni Gerald. Hahaba na naman ang palitan nila ng mga messages at kailangan niyang makapag pahinga. Kahit naman gusto niya ay imposibleng mapagbiyan niya ang binata. Tiningnan niya kung anong oras ang flight nila. Sa gabi pa naman pala ang flight nila. Nahiga na si Sarah, Nangingiti ito at naisip niya kung ano kaya at pagbigyan niya ang kahilingan ni Gerald.

Maagang nagising kinabukasan si Sarah. Hinanap niya agad ang mommy at daddy niya. Nalaman niyang maaga din ang mga itong pumunta sa restaurant nila. May mga kailangan daw ayusin at ipagbilin kaya maagang umalis. May mga kailangan din daw bilhin na mga gamit sa restaurant.

Lalong napangiti si Sarah. "Kuya Don, samahan mo naman ako. Sandali lang tayo."

"Oo naman Sarah, saa ba tayo pupunta?"

"Sa Makati. Surpresahin natin si Ge, duon tayo mag breakfast." Pabulong na sabi ni Sarah sa driver niya.

Nanlaki ang mata ni Kuya Don. "Sarah , sigurado ka ba diyan? Akala ko ba tinapos mo na relasyon ninyo?"

"Oo nga Kuya, magkaibigan na lang kami. Wala naman sigurong masama kung maging magkaibigan pa rin kami .Maging inspirasyon namin ang isat isa. Mas maganda na yung ganitong relasyon namin, walang masyadong pressure. " Paliwanag ni Sarah kay Kuya Don na napapakamot ng ulo.

"O sige, anong oras tayo aalis, hindi ka pwedeng magtagal duon ha, aalis kayo ngayon papuntang New York di ba?"

"Mamayang gabi pa naman yun , kaya may time pa tayo. Sige tayo na, ganito na ako, duon lang naman tayo pupunta, hindi ko naman na kailangang magbihis di ba?"

Tiningnan ni Kuya Don si Sarah. Nakaternong lang ito ng sweat pants at sweat tops. Nakataas ang buhok. Hindi mo iisipin na si Sarah Geronimo kung hindi mo titigan. Maganda siguro magsuot ka pa ng baseball cap para lalong hindi ka makilala." Biro ni Kuya Don.

"Kuya talaga. Sandali kunin ko lang bag ko."

Hindi nga nagtagal at nasa daan na sina Sarah. Habang daan ay umorder na rin ng breakfast si Sarah para ready na pag dinaanan nila bago tumuloy sa condo.

*****

Dahan dahang binuksan ni Sarah ang pinto. Medyo kinakabahan siya dahil sa panunukso ni Kuya Don na baka mamaya may kasama si Gerald duon , magulat pa at mapahiya sila. Kahit alam niyang inaasar lang siya ng mabait niyang driver ay kinakabahan din siya, paano nga kung may kasama itong babae duon?

Wala si Gerald sa living room. Lalo siyang kinabahan dahil alam niya pambihirang matulog si Gerald sa kwarto kung mag isa lang ito. Madalas ay nakakatulog na ito sa sala lang.

Nangingiti naman si Kuya Don sa nakikitang expression ng dalaga. Pumasok na rin ito at nagtuloy sa kusina.

"Sige na gisingin mo na para makain na natin ito bago pa lumamig. "

"Paano nga Kuya kung may kasama siya sa kwarto?"

"Eh di uuwi na tayo." Mabilis na sagot ni Kuya Don.

"Ganoon lang?" Nagulat na tanong ni Sarah sa nakangiting driver niya.

"Oo, alangan namang awayin mo yung tao dahil may katabing babae eh hindi mo naman na siya boyfriend di ba? Magkaibigan na lang kayo . Ang problema mo paano mo ipapaliwanag sa bagong girlfriend na may susi kasa condo na ito." Patuloy na pang aasar ng driver.

Nanlaki lalo ang mata ni Sarah at mabilis itong pumunta sa kwarto. Hindi niya mapigilan ang sariling mainis sa sinasabi ng driver.

Biglang binuksan ang pinto , napabalikwas tuloy sa gulat si Gerald.

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon