Chapter 63

5.8K 104 26
                                    

"Huwag mo na akong sunduin Babe. Dadaan ako sa private screening ng movie namin na hinanda ni Kuya Rowell, dadaan din ako sa block screening sponsored ng Popsters . Sa condo mo na lang ako hintayin. Duon na lang tayo magkita," text ni Sarah kay Gerald.

Excited man si Gerald na makita na agad ang asawa ay sumang-ayon na rin ito na sa condo nila sa Makati na lang sila magkita. Magiging abala na naman silang mag-asawa sa mga susunod na araw - siya sa shooting at si Sarah naman sa Blind Auditions ng The Voice. Kinausap na rin uli sila ni Maja ng management. May scheduled na mga interview si Maja kung saan unti-unti na siyang madudulas sa totoong relasyon nila.

Nasa condo na si Gerald ng matanggap ang text ni Sarah na papunta na siya sa venue ng private screening .

"Have fun sweetheart, huwag masyadong madikit kay Lloydie ha."

"Kaunti lang, kailangan makita naman ng mga nandoon na close talaga kami."

"Sige kaunti lang," sagot ni Gerald.

"Will try to go home as soon as I can. Miss na miss na kita."

"I miss you ten times more."

"Bolero," natatawang sagot ni Sarah .

"Just get home as soon as you can please," pakiusap ni Gerald.

Hatinggabi na halos nang nakauwi si Sarah. Inabutan niyang nakatulog na sa couch si Gerald sa paghihintay sa kanya.Naiiling na nakangiti si Sarah habang pinagmamasadan ang asawang mahinang naghihilik.

"Ang himbing naman ng tulog ng Babe ko, hindi man lang namalayan na nakapasok na ako," sinadyang nilakas ang boses pero hindi pa rin nagising ang asawa.

Hinayaan na lang muna ni Sarah na makatulog si Gerald. Nagtuloy ito sa kwarto nila at nagdesisyong magshower na lang muna. Gigisingin na lang niya ang asawa pagkatapos niyang magshower.

Napabalikwas si Gerald ng marinig niya ang blow dryer sa bathroom. Napatakbo ito sa kwarto nila, tuluy-tuloy sa bathroom.Naramdaman naman siya agad ni Sarah kaya pinatay nito ang blow dryer at nakangiting hinarap ang asawa.

“Mapagnanakawan ka pala Babe. Kung pala magnanakaw ako, ni hindi mo mamalayan nakuha na mga gamit natin, hindi mo alam sa sobrang himbing ng tulog mo," nakataas ang kilay na sabi ni Sarah.

Biglang niyakap ni Gerald ang asawa at siniil ng halik. "Kasalanan mo, lagi akong puyat mula ng umalis ka," sisi nito  sa asawa matapos niya itong halikan.

"Para namang totoo na namiss mo ako ng sobra. Hindi naman halata. Lalo ka pa yatang gumuwapo nung nawala ako," biro ni Sarah sa asawa.

Suddenly her feet were off the floor, Sarah  curled up against him, tightening her hold around his neck as he carried her toward their bed. He placed her  down gently. "Ganoon ha, sige ipaparamdam ko sa iyo kung gaano kita kamiss. Tingnan natin kung makareklamo ka pa."

He slowly peeled away her bathrobe before bringing his hands back to her body. He was touching her like she was a delicate porcelain, looking at her as if she was the most precious thing in the world. She felt like she was being worshipped while she was lying there, trembling beneath his hands while he reacquainted himself with her body. When she couldn’t stand it any longer, she sat up and began removing his clothes. He grinned at her, helping her remove the last of his clothes.

“Hmmm, feeling ko namiss mo din ako sweetheart.” He lowered her back to the bed.

Sarah  brought her hands to his waist, looking up at him. He rested his weight on his elbows as he cradled her head in his hands. “I love you,” he whispered. “Life with you is the best I've ever known.”

Nag-iisang IkawWhere stories live. Discover now