Chapter 22

8.5K 96 17
                                    

Sunday, January 20, Sarah G. Live.... Marami ang natuwa na nakita nilang masaya na naman ang aura ni Sarah. May kislap na naman ang mga mata nito.Nakita na naman ng mga nanonood ng show niya live or sa harap ng mga tv nila ang natural na sigla ng dalaga.

Marami ang nagulat sa statement song niya. Marami ang nagbigay ng kanya kanyang pakahulugan. Isang malaking palaisipan sa mga fans niya ang statement song niya na sinamahan pa ng spiel niya before siya kumanta.

"Love is something that is not just a feeling of hearts beating fast. Ito ay isang powerful thing na dapat ay nakakapagdulot ng positive change sa isang tao. That should bring out the best in a person. Nakakapagbigay ng tamang direksyon sa buhay at ng lasting happiness. You may not get it on your first try but don't be afraid to try again. Tandaan natin na after every dark night comes a beautiful morning sunlight to give us hope of a better and brighter day."

HIndi napigilan ni Gerald ang mangilid ang luha ng marinig niya yun. Nasabi na lang niya. "Thank you Baby Girl." Lalong nag uumapaw ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa dalaga. Kung pwede nga lang na puntahan niya ito at yakapin, halikan. Ipadama sa dalaga kung gaano niya ito kamahal.

Sa nangyayari sa kanya lately , maging sa trabaho at personal na buhay ,ang dalaga ang nagbibigay lakas loob sa kanya. Naalala na naman niya ang nangyari sa shooting ng pinakabagong teleserye niya. Nasigawan siya ni Maricel Soriano dahil hindi niya makuha kuha ang tamang eksena. Ilang beses ng nag take pero hindi pa rin makuha ni Gerald hanggang sa hindi na napigil ni Maricel ang sarili at sinabihan si Gerald. Humingi naman ng siya ng dispensa at nag sorry pero hindi na napigilan ni Maricel ang sarili at pinagsabihan talaga siya. Kahit anong paliwanag ang gawin niya ay ayaw na siyang pakingggan ng beteranang actress hanggang sa halos maiyak na siya ay wala pa rin. Nag walk out sa set si Maricel. Hiyang hiya si Gerald sa mga kasamahan. Na pack up ang taping ng di oras.

As usual sa condo sa Makati na naman umuwi si Gerald. Duon niya pinanood ang SGL. Binalak niyang manood sana sa studio dahil nga sa na pack up ang taping nila pero dahil gusto muna niyang umiwas sa mga reporters lalong lalo na nga tungkol sa katatapos na insidente sa kanila ni Maricel Soriano.

Nalaman ni Sarah ang nangyari sa taping sa isa sa mga staff ng show niya habang kumakain sila ng dinner sa restauant ng mga magulang ng dalaga. Duon sila nag tuloy after the show. Habang kumakain sila ay nag brain storming sila . Nagplano ng mga susunod na gagawin nila. Sino mg a guests.

"Ano kaya biglain natin mga fans, si Gerald gawin nating co host mo next Sunday." Pilyong sabi ng head writer ng show.

Sarah just made a face then umiling. "Kayo talaga, ang gagaling ninyong mang asar."

"Hey Sarah, alam mo ba yung bagong incident na nangyari sa taping ng bagong teleserye ni Gerald?" Tanog ni Gerome.

"Hindi , ano nangyari? Interesadong malaman ni Sarah.

Ikininuwento ni Gerome ang alam niyang nangyari ayon sa kwento din ng kaibigan.

Tahimik ang lahat na nasa table. Hinihintay nila reaction ni Sarah. Malaking news yun, magalit saiyo ang isang Maricel Soriano at nag walk out pa.

"Kumusta naman si Gerald ngayon? May balita ba kayo?" Nag aalalang tanong tanong ni Sarah.

"Balita ko matapos mag walk out si Maricel ay humingi din ng paumanhin si Gerald kina Direk at sa iba pang mga staff." Sagot naman ng isa pang nanduon."

Inisip ni Sarah na tawagan si Gerald after ng meeting niya with SGL staff.

Taped na ang SGL next week. Ang pinag uusapan nila ay ang mga susunod ng episodes. Nag uumpisa ng maging hands on si Sarah sa career niya. Inuumpisahan niya yun sa Sarah G. Live. Alam niya marami ang matutuwa sa mga guests nila next week. Naalala tuloy niya ang isa sa mga guests niya. Isa itong celebrity in his own right pero nakakatuwa ang pagiging popster niya. Isang sikat na PBA basketball player si Dondon Hontiveros pero inaaamin niyang siya ay popsters by heart.

Nag-iisang IkawWhere stories live. Discover now