Chapter 59

6.2K 97 25
                                    

"Sweetheart, bakit parang gusto kong maniwala sa mga pinapakita ni John Lloyd na closeness ninyo. Meron ba akong dapat malaman?" Tanong ni Gerald sa asawa habang nanonood sila   ng Gandang Gabi Vice kung saan guest sina Sarah at John Lloyd to promote their movie at para batiin na rin si Vice ng happy birthday. 

Lumapit si Sarah kay Gerald. Umupo sa tabi nito. Nakipanood na rin. Sa mga sagot nga naman ni Lloydie sa mga tanong ni Vice ay makikita mong meron silang special friendship or bond.  

"Close naman talaga kami, di ba? Mas naging close bago matapos yung movie. Alam mo naman yun. Marami din yang mga pinag dadaanan. Gaya mo din na mis understood pagdating sa mga babaeng dumating sa buhay niya. 

"Iba kasi yung mga tingin niya lately, parang may something." May halong selos ang boses ni Gerald. 

Natawa si Sarah at  hinalikan sa pisngi ang asawa. "Magtigil ka nga, tingnan mo nga oh, unti unti ng nagpapakita baby natin." Hinawakan ang tiyan nito.

Hinarap ni Gerald si Sarah, hinalikan ang tiyan nito ," hello anak, sige bilisan mong lumaki para tuluyan ng malaman ng buong mundo na ang Mommy mo ay isa ng Mrs. Anderson at wala na siyang karapatang maging lovey dovey sa kahit na sinong artista lalong lalo na sa mga gwapong tulad ni John Lloys Cruz."

Natatawang hinampas ni Sarah ang asawa, "sino kaya ang lovey dovey sa iba? Ikaw nga itong panay ang outing na iba ang kasama kahit nga nuong birthday mo , ako todo sa trabaho ikaw naman panay out of town vacations."

"Dagdag din sa ipon natin yun no sweetheart, alam mo namang trabaho lang yun di ba? Malapit na malapit na talaga , kita mo nga sa mga pictures namin, group talaga. Barkada outings na lang, pati nga mga  handlers and road managers namin kasama pa."

Hindi kumibo si Sarah. Kunwari ay nakabusangot pa rin ito. " Hay naku sweetheart, ang cute cute mo lalo pag naka pout ka ng ganyan, feeling ko gusto mo lang pamasahe eh." Sabay tayo dahil alam niya makukurot na naman siya ng asawa. 

"Hindi no? Ikaw nga diyan kunwari masahe, iba naman pinupuntahan ng mga kamay mo." Bwelta naman ni Sarah. 

"Yun ang reward ko di ba?" Kumikindat na sagot nito sabay patay ng tv.

"Bakit mo pinatay, ayaw mo akong mapanood?" Reklamo ni Sarah. 

"Nasisira ang mood ko pag nakikita kong may ibang lalaking parang napaka close saiyo kahit na alam kong trabaho lang or promo promo lang."

"Hoy hindi promo promo lang yung closeness namin ha, talagang magkaibigan kami." 

"Oo na, mag ingat ka sa girlfriend nun, super taray nuon baka mapatulan ko yun pag inumpisahan ka niyang paringgansa twitter. Baka mamaya sa kanya pa manggaling na Mrs. Anderson ka na pag napikon yun sa mga nababasa sa twitter."

"Alam mo ikaw ang taong walang twitter account pero maraming alam kung anong nangyayari duon."

"Anong ginagawa ng account ni Fred?" Nakangiting sagot nito sa asawa. 

"Bakit kasi hindi ka pa gumawa ng sarili mong account may instagram ka naman di ba?"

"Eh bakit ikaw? Activate mo na uli yung account mo, susunod ako."

"You think that is wise? Alam mo naman na hindi ko kayang makabasa ng mga comments ng mga bashers di ba?"

"Mas marami naman ang mapapasaya mo sweetheart. Hindi na mawawala mga bashers at negative comments sa ating mga artista. Tingnan mo nga ako, lately  halos panay negative ang nababasa ko tungkol sa akin  pero yun ba ang tutuo? Iilan lang naman talaga ang tutuong nakakakilala ng tutuong pagkatao ko di ba?" 

"Marami naman Babe." Malambing na sagot ni Sarah sa asawa. 

"Sa ngayon , walang makakasirang basher sa tutuong nangyayari sa buhay ko. Yun ang mahalaga. Ang mahalaga sa akin ngayon , yung tayong dalawa, yung future natin ng magiging baby natin at ng mga darating pa." Lumapit sa asawa, inalalayang tumayo, as long as alam kong nandito ka,mahal mo ako, alam mong mahal kita, yun ang importante sa akin. Makakaya ko lahat, basta alam kong ang asawa ko , naniniwala sa akin." He gently kissed her lips.

Nag-iisang IkawWhere stories live. Discover now