Chapter 9

9.5K 85 19
                                    

Kitang kita ni Gerald kung paano parang proud pang ipakilala ni Sarah si Sam sa guest nilang international singer na David Pomeranz.

Hindi natagalan ni Gerald at umalis na ito sa Director's booth. Pumunta na siya sa parking lot, titingnan niya kung makakausap niya ang dalaga kahit na sandlali lang. Ipinarada niya ang sasakyan kung saan kitang kita niya ang sasakyan nina Sarah. Nagulat pa ito ng sabay na lumapit sina Sarah at Sam kay Kuya Don , ang driver ni Sarah.

Kitang kita niyang nag usap sandali then sabay na ang mga itong pumunta sa sasakyan ni Sam. Lalo ng halos sumabog ang dibdib ni Gerald ng makita niya kung paano alalayan ni Sam si Sarah na mukhang ok lang na sa may bewang nito nakahawak si Sam.

"Don't tell me may dinner date na naman sila?" Tanong ni Gerald sa sarili. Tinawagan ni Gerald si Gerome.

"Pasensya na ha, saan pupunta sina Sarah at Sam?" Tanong ni Gerald sa isa sa mga stafff ng SGL na naging close na rin sa kanya.

"Naku Gerald ha, anong ginagawa mo? Di ba may Maja ka na?"

"Pakisagot na lang ang tanong ko please. Saan sila pupunta?"

"Invite sila ni KC na duon mag dinner sa place niya, dinig ko nga kasama pa sina Ryan at Judy Ann."

"Ganoon ba? Kaya pala sabay silang umalis. Thank you Gerome."

Matagal bago nakaalis si Gerald sa parking lot. May isang oras yata siyang nakaupo lang sa loob ng sasakyan niya nag iisip.

Lumabas lang siya ng makatanggap ng text galing sa handler niya. May meeting nga pala siya that night. Mabigat ang mga paang naglakad pabalik sa loob ng building.

***** 

Naging masaya ang dinner nila Sarah. Bukod sa masarap na mga pagkaing niluto ni KC sa tulong na rin Juday ay naging kaaliw aliw din mga bagong antics ng bunso nila Ryan at Juday na si Lucho samahan pa ng sobrang pagka ismarte ng panganay na si Yohan. Hindi nila namalayan ang oras sa saya ng kwentuhan at tawanan nila. Napansin na lang nila na gabi na ng mag umpisa ng maging cranky si Lucho.

Nauna ng umuwi ang pamilya Agoncillo. Naiwan ang tatlo na hindi nagtagal at ang kuwentuhan ay nauwi kina Kim at Maja syempre hindi maiwasan si Gerald na rin.

"It seems so unreal. I am a witness to their close tight friendship. I can't just understand what is going on between them." Sabi ni Sam na napatingin kay Sarah.

Pinandilatan ng mata ni Sarah si Sam. "Why look at me?" Naiiling na tanong ni Sarah kay Sam.

%

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon