Chapter 11

9.8K 81 28
                                    

Habang naghihintay sila sa red lights ay tiningnan ni Sam ang phone niyang panay ang dating ng messages. Napangiti ito.

"Mukhang good news yang mga balita sa mga messages mo . Ang ganda ganda ng ngiti mo."

"Super good news! Guest kami bukas sa show mo. Kami nina Angge at Paolo, guest co host mo pa nga yata ako." Hindi maitago ang saya sa mukhang sagot ni Sam kay Sarah na napangiti na rin.

"Super saya nga yan. Guests mga super gusto kong kaibigan. Anduon din si Kuya Eric at super gusto ko mga songs na kakantahin."

Naging masaya na uli ang kwentuhan nila hanggang sa makarating sa bahay nina Sarah.

Masayang naghiwalay ang dalawa. Ihinatid lang ni Sam si Sarah hanggang sa may pinto at hinintay na makapasok ito bago bumalik sa sasakyan at magaan ang loob na umuwi. 

*****

Biling baligtad si Sarah sa higaan. Hindi siya makatulog. Iniisip kung ano mangyayari kinabukasan. Kung ano ang kalalabasan ng interview ni Gerald sa The Buzz. Iniisip niya kung ano ang mga sinabi nito, ang mga inamin. Iniisip pa lang niya ang diretsong pag amin ni Gerald sa publiko ay para ng may humihiwa sa dibdib niya sa sakit. Hindi niya alam kung makakayanan niyang mapanood na sabihin nito na talagang wala na sila, na may mahal na siyang iba.

Gustong gusto niyang tawagan ang binata, tanungin kung ano ang mga sinabi nito sa interview pero nanaig ang pride niya.

Wala siyang nagawa kung hindi umiyak na naman at yakapin ang unan na bigay sa kanya ni Gerald.

*****

Hindi din makatulog si Gerald. Gulong gulo ang isip niya. Lalong gumugulo ang sitwasyon. Iniisip din niya ang interview niya sa The Buzz, kung ano magiging reaksyon ni Sarah pag napanood niya ito. Ano magiging epekto sa lalong lumalabong relasyon nila. Sa mga sinabi niya at inamin , alam niya lalo ng gugulo ang sitwasyon pero sa ngayon hanggang duon lang ang kaya niyang gawin. Nakahinga na rin siya ng maluwag na kahit paano ay pinagbigyan ang kahiligan niyang huwag babanggitin si Sarah sa interview niya. Nuong una hindi sila pumayag pero nagmatigas siya na kung hindi pagbibigyan ang hiling niya, walang interview na magaganap.

Alam ko Baby Girl masasaktan na naman kita. Sana pag natapos na lahat ng ito, maintindihan mo din kung bakit kailangan kong gawin ang mga ito kahit labag sa kalooban ko. Pinilit ng makatulog ni Gerald. Itinlaga na rin ang sarili niya sa mga posibleng reaksyon ng mga fans pagkatapos nilang mapanood ang The Buzz. Itinalaga na rin niya ang sarili na sa ngayon, kailangang tiisin niya ang lungkot at sakit na nararamdaman sa pagkakalayo nila ng babaeng pinakamamahal at nagbibigay ng inspirasyon sa kanya para lalo pang maging mabuting tao at mapabuti ang buhay ng mga taong malapit sa kanya. Ano man ang mangyari BabyGirl, my love for you is forever.

****

Hindi napanood ni Sarah ang The Buzz. Kasalukuyan siyang nag re rehearse. Gustong gusto sana niya itong mapanood pero ayaw niyang malaman ng mga nasa paligid niya na ganoon siya ka interesado. Inisip na lang niya na malalaman din naman niya kahit na hindi siya magtanong. Nag focus na lang siya sa rehearsal.

Hindi naman nagkamali ang dalaga. Ang road manager niya mismo ang nagkwento sa kanya sa dressing room bago mag umpisa ang show niya.

"Inamin niya na given a chance , gusto niyang ligawan si Maja. Ang maganda ni isang beses hindi ka nabanggit sa interview. " Kwento ni Chai. ang road manager ni Sarah.

Poker face lang si Sarah, ayaw niyang magpahalata sa sakit na nararamdaman. Gusto niyang magtatakbo palabas ng dressing room at mag iiyak sa washroom . Nagsisikip ang dibdib niya, nagbabara ang lalamunan. "Mabuti naman at hindi na ako nabanggit. Maganda yun di ba?" Pilit ang ngiting tanong ni Sarah kay Chai.

Nag-iisang IkawWhere stories live. Discover now