Chapter 20

8.6K 96 19
                                    

"Ang dami namang pagkaing pinadala ni Mommy. Ilan lang tayong kakain." Naiiling na sabi ni Sarah ng makita ang napakaraming pagkain pagpasok niya sa dressing room. Napansin din niya ang bouquet of white tulip sa harap ng mirror.

"HIndi naman yan padala ng mommy mo. Kasabay na dumating yan nung mga bulaklak na yan." Tinuro ni Evelyn ang white tulips.

Nilapitan ni Sarah ang bulaklak. Nagtataka kung kanino galing. Tumaas ang kilay ng dalaga ng mabasa ang ang pangalan ng sender ganoon din ang message.

"Hmmmm, ano naman to? May mga ganito na naman? Andito pa ba siya? Parang napansin ko siya kanina pero hindi naman lumapit."

"Hindi din naman nagtagal. Halos sabay lang sila ni Gerald na umalis. Nauna lang si Gerald ng ilang minuto. Nakita mo ba si Gerald?" Nakatingin na tanong naman ni Chai , road manager ni Sarah.

"Hindi naman siya nagpakita sa akin. Tutuo bang nasa director's booth siya?"

"Hindi ko din nakita . Nakausap daw ni Gerome. Anduon nga daw. Ano ba drama nun? Akala ko ba tinapos mo na lahat lahat between you, bakit nandito na naman?"

Bumuntong hininga si Sarah. Ito na nga ang pinangangambahan niya. Ang magiging reaction ng mga tao sa paligid niya kung makikipagmabutihan na naman siya kay Gerald. Kahit paano , matapos na malaman nila ang mga supposed to be nangyayari between Maja ang Gerald, halos lahat ng tao sa paligid niya ay nagpakita ng pagkainis or resentment towards Gerald.

"Nagkausap kami kagabi."

Napatingin ang mga nasa dressing room kay Sarah. Natahimik ang lahat at hinihintay ang susunod na sasabihin ng dalaga.

"Relax lang kayo, para naman kayong mga binagsakan ng bomba sa pagkabigla. Hindi kami nagkabalikan. Tutal pareho kaming nahihirapan sa nangyayari sa amin, we agreed to be friends again. HIndi naman kailangan na makita kami ng mga fans na magkasama palagi. Masaya na kami na malaman na we still care for each other hanggang sa pareho na kaming maka move on or pareho na kaming handang maging kami uli. "

"What do you mean?" Napalapit na si Chai kay Sarah na umupo, paharap sa salamin at pinagmasdan ang bouquet of flowers.

"I don't know, basta we agreed to keep in touch , to be there for each other, to be each other's inspiration. He asked at least 2 months to clean up his acts and marami daw siyang ipapaliwanag sa akin after 2 months."

"Sarah, kindly explain please." Nag aalalang tanong ni Chai. "Medyo may duda na ako pinili mong statement song for this Sunday. Lilituhin mo na naman mga fans mo. Alam na alam mo namang marami sa mga fans mo ang talagang binibigyan nila ng mga kahulugan ang mga statement songs mo."

"I know , bahala na silang bigyan ng kung ano mang meaning ang statement song ko this Sunday. Gusto ko lang malaman niya na hindi siya nag iisa sa nararamdaman niya. Hayaan na ninyo ako please. Hindi naman ibig sabihin na nakikipagbalikan na ako sa kanya agad agad. Gusto ko lang malaman niya na I am giving him the time he asked. Madali lang naman ang 2-3 months. Magiging busy naman ako sa provincial tour at sa movie namin ni JLC. "

"Ikaw ang inaalala namin. Baka mamaya mas masaktan ka pang lalo sa ginagawa mo. Alam ba nina Mommy Divine at Daddy Delfin na nakipag usap ka sa kanya?"

"Sinabi ko kanina na dumaan kagabi si Gerald sa bahay. Medyo gabi na rin yun kaya hindi din siya nagtagal. Gusto lang daw niya akong makita kaya yun kesa magbantay siya sa labas ng bahay hoping na makita niya ako. di sinabi kong pumasok na lang siya dahil wala na akong balak lumabas"

"Anong sabi nila?" Interesadong tanong ni Chai.

"Wala namang masyado. Sabi lang nila, mag ingat ako, huwag daw akong maging padalos dalos sa mga desisyon ko . Ayaw daw nilang makikitang umiiyak na naman ako."

Nag-iisang IkawWhere stories live. Discover now