Chapter 48

8.2K 113 33
                                    

Napatayo si Gerald sa narinig na tanong ng biyenang lalaki.Nanlaki naman ang mga matang napatitig si Sarah sa sa daddy niya.

"May mga bulong bulungan? Bakit hindi ko naririnig?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sarah, iginala ang mga mata sa mga nakaupo sa dining table. Hinila paupo uli si Gerald.

"Magandang alam din namin di ba, baka mamaya magiging lolo at lola na pala kami hindi pa namin alam. Sasabihin ninyo sa amin in case di ba?" Paniguradong tanong ni Daddy Delfin.

"Opo naman!" Halos sabay na sagot ng dalawa.

"So hindi tutuo?" Tanong naman uli ng Ate ni Sarah.

"Sa ngayon ate , hindi ko alam. Hindi pa naman kami nagtatagal na nagsasama uli. Yun nga lang this time hindi na kami gumagamit ng precaution. Gusto na rin naming magka baby, bahala na kung paano namin ipagtatapat na kasal na kami." Nakayukong pag amin ni Sarah.

"Ayon sa mga naririnig nila Ana, mga 3 months ka na raw siguro. Hindi kaya nabuntis ka bago pa man kayo nagkahiwalay few months back?" Sagot ng Mommy ni Sarah.

Nagkatinginan sina Sarah at Gerald. Posible bang mangyari yun? Parehong nanlaki ang mga mata nila ng ma realized nila na pwede nga.

"Wala naman akong nararamdamang pagbabago sa katawan ko mommy. Medyo lumaki puson ko pero dahil lang yun sa nadadalas na pagkain ko ng rice at saka mula ng magkasundo uli kami ni Ge, kain na lang kami ng kain tuwing magkikita kami. Saka that time, naag iingat kami na mabuntis ako."

Hindi naman maitago ang nararamdamang excitement ni Gerald sa narinig na posibilidad. "Sana nga Mommy, tutuong buntis na siya." Inakabayan si Sarah at hinalikan sa nuo. Ayaw pa sana niyang umalis pero alam niyang may mga naghihintay na sa kanya sa ABS CBN. Tumayo na ito at nagpaalam sa pamilya ng asawa. Ihinatid naman siya ni Sarah hanggang sa may pintuan.

"I am so excited sweetheart sa possibility na buntis ka nga."Niyakap ng mahigpit ang asawa at hinalikan sa nuo. We have to see our doctor soon. Call me later kung ano pa mapag usapan ninyo nina Mommy ha."

"Napayakap si Sarah sa asawa. "Paano Babe kung buntis na nga ako? Ano gagawin natin? " Halata ang pag aalala sa boses ni Sarah.

Masuyong hinawakan ni Gerald ang baba ni Sarah para tumingin sa kanya. Dinampian ng halik ang labi nito at sinabing, "basta magkasama tayo , may suporta mga pamilya natin, kaya natin ito at mag cecebrate tayo. Kung buntis ka, malaking celebration yan, smile ka na , di ba ito ang gusto natin?"

"Oo nga perohindi naman agad agad. Ang dami ko pang trabahong dapat tapusin. Gusto ko naman sana matapos muna lahat ng mga natanguan ko na. "

"I know sweetheart, " tinitigan nito ang asawa. "Gusto mo ba huwag na akong pumunta sa ASAP? Magdadahilan na lang ako?" Nag aalala ako saiyo."

"Ayyyy oo nga pala you have to go Babe, mahirap na ikaw ang hinihintay nila. Sige na , you go. Pahahatid na rin ako soon, tatapusin ko lang pagkain ko. "

Muling hinalikan ni Gerald ang asawa bago tuluyang umalis. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Excited siya pero nararamdaman din niya ang nararamdaman ni Sarah. Kinakabahan siya sa mga posibilidad na mangyari sa mga susunod na araw sa buhay nilang dalawa at ng mga tao sa paligid nila. Buti na lang final show na ng SGL, pero alam niya bukod sa ginagawa nitong movie with JLC, may dalawang malalaking projects pa itong uumpisahan. Meron itong drama anthology at ang reality talent show. Parehong malalaking projects yun. Naalala niya hindi pa pala siya nakaka order ng bulaklak para sa show ng asawa. Tinawagan ang flower shop at umorder ng bulaklak.

Samantala, hindi mapigilan ni Sarah ang maiyak ng bumalik na ito sa dining room kung saan nag uusap usap pa rin ang pamilya niya.

"Tumayo ang mommy ni Sarah at niyakap siya. "Pasensya ka na sa daddy mo, hindi na napigilan ang magtanong." Alo ni Mommy D sa anak.

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon