Chapter 18

8.2K 106 33
                                    

Hindi namalayan ni Sarah nasabi niyang, "I love you so much too and it's killing me knowing you are hurting as much as I do or more. Reading those bashing comments about you, I feel like defending you from all of those and want to kick myself for making it worst by acting up last week. I know in my heart those are not true. We may have a failed relationship but its not all your fault." Sarah was sobbing uncontrollably.

"Naiintindihan naman kita BabyGirl, ini expect ko naman yung reaction mo. Ang hindi ko ini expect yung nararamdaman ko na wala ka na sa buhay ko. Sabi ko nuong pumayag ako, kaya ko to, after ng ilang buwan, gagawin ko lahat para bumalik ang tiwala mo sa akin, ipapaliwanag ko lahat saiyo pero nuong huling nag usap tayo at ng mabasa ko yung email mo, at hindi mo na sinagot mga sumunod kong emails, I know I've lost you. It did not help that I saw you and Sam getting along pretty well. I was at your rehearsal last Sunday. I saw you left the studio together. I knew you went motorbiking in Panay. I almost went to Panay to check on you. Alam mo ba kung paano ko nilunod sarili ko sa alak para lang hindi ko maramdaman yung sakit na nararamdaman ko that day? Yung ini imagine ko na kayong dalawa lang sa Panay?" Nagsisikip ang dibdib ni Sarah habang naikikinig kay Gerald.

"Hindi pwedeng ganito tayo Babe. Ayokong masira ang career mo , please huwag kang ganyan. Sayang naman mga sacrifices mo , natin kung masisira lang din in the end."

"Can I see you even just for few minutes? Please?"

This time the silence was painful. Sarah couldn't work out what to say next.

"Please, kahit sandali lang , narinig na naman ni Sarah ang boses ni Gerald.

"Ge naman, paano? Mas maganda siguro iwasan na nating magkita, lalo lang gumugulo."

"Please, alam ko bad shot na ako sa bahay ninyo pero I just need to see you kahit sandali lang. "

"Alam mo naman na welcome ka dito anytime. Alam mo din na kahit sinong pumunta dito basta nagpapakatao di ba?" May hinanakit na ang boses ni Sarah. Nakaramdam ng pagkapahiya sa sarili si Gerald dahil tutuo ang sinabi ni Sarah. Kahit kelan hindi naman talaga siya pinakitaan ng masama ng mga magulang ni Sarah.

"I am sorry , that 's not really what I meant. Nahihiya na akong pumunta diyan dahil sa mga pangyayaring hindi ko pa maipaliwanag sa ngayon. Please Baby Girl, nag mamakaawang sabi ni Gerald kay Sarah.

"Where are you ba? Hindi na ako pwedeng lumabas baka lalo pa akong ma chismis pag may nakakita sa atin lalo na gabi na na. How about tomorrow, lunch maybe? May rehearsal ako tomorrow. "

"I am outside your house." Mahinang sagot ni Gerald.

"What? Why did you not come in?"

"Gabi na , gusto lang kitang makita kahit sandali lang. Baka sakaling matanaw kita."

Dali daling bumaba si Sarah. Hinanap si Kuya Don at sinabing buksan ang gate at papasukin si Gerald.

Nagulat pa si Gerald ng makita niyang bumukas ang gate nina Sarah at lumabas si Kuya Don na parang may hinahanap. Dahil gamit niya ang sports car niyang hindi niya madalas gamitin ay hindi agad siya napansin ng driver bukod sa hindi naman talaga siya nag park sa mismong harap ng bahay nina Sarah.

"Pumasok ka na , mukhang hindi ka napansin ni Kuya Don," narinig ni Gerald na sabi ni Sarah sa kabilang linya ng telepono.

Nuon pa lang pinaandar ni Gerald ang sasakyan. Hinintay ni kuya Don na makapasok siya bago nito sinara uli ang gate.

Pagpasok pa lang ni Gerald sa bahay nina Sarah ay nagtama na agad ang mga mata nila. They stared at each other . Sarah could feel the tension creeping upwards from her shins. Sarah was the one who looked away first.

Nag-iisang IkawWo Geschichten leben. Entdecke jetzt