Chapter 61

6.7K 106 37
                                    

Nagkita ang mag asawa sa condo nila matapos ang pakikipag meeting nila sa kani kanilang mga managers. Pareho na silang mas nakahinga ng maluwag. Konting panahon na lang at magiging malaya na silang ipaalam sa mga tagahanga at mga supporters ang tutuong relasyon nila.

“Pigil na pigil ang galit ni Mr. M sweetheart, nuong una, talagang matalim ang tingin niya sa akin. Gusto talagang ibunton lahat sa akin ang sisi pero nung sinabi ko ng kung hindi niya ako inutusang tigilan ko pangliligaw saiyo, hindi  naman siguro aabot  sa sitwasyong nagpakasal tayo ng lihim,nag iba siya ng tono at tinanong kami kung ano sa palagay naming ang mabuting gawin since hindi din naman kami nakikinig sa kanya most of the time. It turned out , halos pareho naman pala ng mga naisip nilang paraan.”

“Ako naman ngayon ang parang nahihiya pag nagkita kita uli kami. Buti na lang , medyo matagal tagal pa bago uli ako pumunta ng ABS CBN.”

“Palagay ko sweetheart , wala ng babanggit pa or wala ng sisihang mangyayari , ihanda mo na lang ang sarili mo sa mga tukso at congratulations. Hindi na tayo kailangang maging masyadong maingat. Pwede ko ng ipagmayabang sa iba nating mga kaibigan na hindi pa nakakaalam na buntis ka. “

“Pwede na?”  Nangingiting kunwari ay tanong ni Sarah. Kailangan pala magkaroon na uli kami ng bonding nina Ate Shin at Yeng at ng buong Champions barkada  kung hindi lagot ako pag nalaman nila sa iba.”

“Huwag mong kalimutang ipaalam din kina  KC at Ate Judy Ann.” Paalala ni Gerald kay Sarah.

“Alam na nila, nag dinner ako kina Ate Judy Ann nuong last nagpunta kayo ng La Union. Tuwang tuwa nga sila. Sabi nga ni KC hindi daw siya papayag na hindi siya isa sa mga ninang.”

“Anong sabi mo?” Nakangiting tanong ni Gerald. Parang nakikita na niya ang araw ng binyag ng baby nila.

“Syempre sabi ko, siguradong isa siya sa mga ninang.”

“Ang swerte naman ng baby natin, mga bigatin magiging mga ninong at ninang. Nasabi ko na rin pala kay Sam Milby. Kinukumusta ka niya nuong minsang magkita kami sa ABS CBN compound. At gaya ni KC, dapat daw ninong siya.”

Nangiti si Sarah. “Sana one day ma realize din ng dalawang yun na sila talaga ang bagay. Sana sila ang magkatuluyan balang araw.”

“Gusto mong mabatukan ni KC? Siya ang nagtutulay sainyo dati, tapos mangangarap kang silang dalawa ang magkatuluyan?”

Inirapan ni Sarah ang asawa. “Naisip ko lang naman. Bagay na bagay kasi sila maging sa ugali, pareho ng interest at hobbies. Parehong sosyal pero down to earth.”

Umiiling si Gerald. “So parang sinabi mo na rin na bagay kami niKC?” Natatawang tukso ni Gerald sa asawa.

Hinampas ni Sarah si Gerald. “Bakit sosyal ka ba?”

“Bakit hindi ba?” Balik tanong  nito.

“Hmmmm  actually halo. Gaya ka din naman nila, pwedeng maging sosyal na sosyal pero pwede ding jologs na jologs.”

“So nakuha mo na ang point ko? Hindi komo pareho ng interests, hobbies or rank sa buhay, bagay na bagay na at magiging perfect couple.Tingnan mo tayong dalawa, sinong mag aakalang kababaliwan kita?” Nakangising tanong nito sabay layo dahil siguradong mas masakit ang matitikman niyang hampas.

“Ginayuma mo lang ako kaya kita nagustuhan.” Napipikon namang sagot ni Sarah.

“Salamat sa gayuma. Buti na lang tumalab saiyo.”

Binato ng cushion ni Sarah ang asawa. “Ikaw talaga!!”

“Ang sweetheart ko naman, ang daling mapikon. Hindi mo ba alam araw araw akong nagpapasalamat kay Papa God na ako ang minahal mo?”

Nag-iisang IkawWhere stories live. Discover now