Chapter 47

9.5K 113 51
                                    

Nagkita na lang uli ang dalawa Sabado ng gabi. Alam ni Gerald na emotional ang asawa dahil nga final show na ng SGL. Alam ni Gerald na napamahal na kay Sarah ang nasabing show kaya naman after ng rehearsal niya sa ASAP ay tumuloy na siya sa condo sa Makati. Nag usap na sila sa phone na duon na lang sila magkita.

Umorder ng paboritong pagkain ni Sarah si Gerald. Bumili din siya ng favorite flowers niya. Naaawa siya sa asawa dahil halos wala na itong pahinga. Sagadsad ang shooting nila ng movie nila ni JLC. Tutuong busy din siya sa taping at shooting pero hindi kasing pressure gaya ng schedule ng asawa.

Habang hinihintay niya si Sarah ay naisipan niyang mag browse on line. Magmula ng mapag usapan nila ni Sarah ang posibilidad na paghinto nila sa pag aartista at tumira muna sa US, basta may pagkakataon din lang siya ay nagtitingin tingin na siya on line kung saan sila saka sakaling titira. Tinitingnan na rin niya kung ano ang pwede nilang itayong negosyo habang duon sila nakatira. Tutuong kahit paano ay may ipon na siya pero hindi yun pang habang buhay. Kailangang magkaroon sila ng steady income. Iniisip din niyangmag aral habang nanduon sila.

Nasa ganoon siyang pag iisip ng maramdaman niyang may nagbubukas ng pintuan. Tumayo si Gerald para salubingin ang asawa. Umaliwalas naman agad ang mukha ni Sarah ng makita si Gerald.

"Hello sweetheart. Iba talaga ang effect mo sa akin. Parang bigla na lang lumiwanag ang paligid ng dumating ka. Nawala lahat ng mga gumugulo.sa isip.ko. Nakikita ko na lang yang mukha mong parang any moment ay ngingitit." Hinapit ng yakap ang mukhang pagod na pagod na asawa.

"Ang galing mambola ng gwapong gwapo kong asawa. Paano namang hindi mawawala ang pagod mo pag ang sasalubong saiyo ay ganito?" Yumakap rin sa asawa at sinalubong ang halik nito.

"Hmmm, sana lang talaga ganito tayo tuwing matatapos ang trabaho. Yung alam mong may dadatnan kang masayang naghihintay saiyo o kahit na maghintay man, alam na alam mong katbi mo siya sa pagtulog that night at may mapagsasabihan or mapagkukuwentuhan k ang mga nangyari saiyo that day."

"Gusto ko din yan, heto nga oh nawala na lahat ng pagod ko." Hawak kamay na silang pumunta sa living room at pinaupo ni Geraldang asawa sa kandungan niya.

Malambing namang umupo si Sarah na nakakaharap sa asawa sabay yakap sa liig nito. "Ikaw, kumusta naman ang araw mo?"

"Ok lang naman, smooth sailing naman ang taping naminu . Saiyo ako nag aalala , kahit sa phone halata ang lungkot sa boses mo."

Hindi naitago ang lungkot sa mukha ni Sarah. Oo nga, tuwing maalala ko hindi ko talaga maliwasan ang malungkot. Alam mo naman na parang isang malaking pamilya na kami sa show. Ma mi miss ko talaga mga ka trabah ko duon."

"I am sure sobrang mami miss ka din nila," hinigpitan pang lalo ang yakap. Huwag ka ng malungkot. Madalas pa rin naman kayong magkikita kita. Huwag na malungkot sweetheart please." Bulong nito habang hinahaplos haplos ang likod ng asawa. Nahihirapan din ang kalooban ni Gerald pag nakikita si Sarah na nalulungkot.

"I am trying to look at the brighter side of things pero syempre hindi ko talaga maiwasan ang malungkot, alam mo yun?"

"Oo naman, ikaw nga isang araw ko lang hindi makita, parang taon na sa tagal eh," biro ni Gerald para lang mapatawa si Sarah na ang sobrang nalulungkot.

Nahampas tuloy siya ni Sarah at tumayo sa pagkakaupo sa kandungan niya. "Wala ka ng alam bolahin kung hindi ako." Pumunta sa kusina at kumuha ng bottel of water sa fridge.

"Gutom ka na sweetheart, malapit na sigurong dumating yung foods na inorder ko."

"Hindi pa naman, palit muna ako ng damit ha, ang lagkit lagkit ng pakiramdam ko. "

Nag-iisang IkawWhere stories live. Discover now