Chapter 42

10.6K 116 62
                                    

Nasagot lang ni Sarah ang mga text messages ni Gerald nuong finally ay natapos na rin ang rehearsal nila. Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman niya. Masaya dahil sa mga katrabaho niya. Kahit pagod sila, hindi nila yun naramdaman. Lumipas ang oras na hindi nila namamalayan. Maging si JLC ay halatang nag enjoy din sa company ng staff, crew and stars ng SGL.Nanduon din si Luis na lately ay pambihira na ring makarating sa show.

“Tapos na kami Babe, asan ka na?” Text ni Sarah kay Gerald. Alam niyang wala na ito sa ABS CBN.

Sinagot naman ni Gerald na kasalukuyang nasa bahay pa niya sa Quezon City. “Andito ako sa bahay sweetheart. Gusto mo bang sunduin kita?”

“Huwag na. Pahinga ka na lang. Uwi na muna ako.”

“Sweetheart , daan muna kayo dito. Kahit pahatid ka lang kay Kuya Don. Sabay na tayong umuwi mamaya.”

“Is that a good idea? Baka mamaya may makakita sa akin na nagpunta diyan sainyo, maintriga na naman ako. Sabihin pa hinahabol kita at ako pa pumupunta sa bahay mo”

“Is that so bad?”  Biro ni Gerald.

“Hmmm, hindi ko yan image eh, natawa na rin si Sarah. Sige na nga. Pahatid ako diyan.”

“Thank you sweetheart, gusto ka na ring makita ng barkada lalong lalo na ni Jalal. Alam mo bang kanina ko lang nalaman na may crush pala tong lokong to saiyo.”

“Ikaw naman, bakit mo niloloko si Jalal. Baka mamaya mahiya ng makipag usap sa akin yan.”

“Heto nga o excited na nalaman mo na.” Biro ni Gerald na lalong inaasar si Jalal na pulang pula na.

“Tigilan mo na si Jalal  Babe, parang nakikita ko na hiyang hiya na naman yan pag nakita ako.”

“Hehehehe, anyway, mga anong oras ka kaya nandito? Dito ka na rin mag dinner ha? Balak kasi naming mag order na lang. Wala kaming cook eh.”

“Ang aga naman yatang dinner niyan. Anong oras na ba? Ganoon ba katagal inabot ang rehearsal namin?”

“4 pa lang naman, hindi ka ba nagugutom? Nag lunch ka ba? Baka mamaya hindi ka na naman kumain ha.”

“Kumain naman, nagpadala si mommy ng mga pagkain kanina.”

“Good! Sige hintayin ka na lang namin.”

“Ok, see you later. Mas maganda siguro pasundo mo na lang ako. Mahirap ng makita pa yung sasakyan ko diyan sa may bahay mo. Text mo ako pag andito ka na sa compound ng ABS CBN, tabihan mo na lang yung sasakyan namin para hindi masyadong halatang lilipat ako sa sasakyan mo.”

“Mabuti pa nga. Sige diyan ka muna, text kita pag malapit na ako para makapunta ka na sa sasakyan mo.”

“Ok Babe, pahinga na muna ako.”

*****

Habang naghihintay si Sarah ng text ni Gerald ay kinausap naman ni Sarah ang road manager niyang si Maa’m Chai.

“Palagay nyo hanggan kelan pa kaya ang shooting ng ITAMAAW?”

“Medyo matagal tagal pa, bakit?”

“Naisip ko lang na magpahinga muna pagkatapos ng SGL. Pwede ba yun?”

“Imposible yun sa ngayon Sarah. Ang dami mo pang natanguang mga projects. Pagkatapos nga ng SGL, kailanga mo na agad mag taping ng first episode ng SGP.Sagad sagad din ang shooting schedule mo sa movie.”

Bumuntong hininga ng malalim si Sarah. “Basta ha, huwag muna tayong tatanggap ng mga bagong projects. Tapusin ko muna mga natanguan na natin.”

“Oo, gaya ng request mo, maraming naghihintay na offer pero wala pa ring tinatanguan lalong lalo na nga at malapit na ring matapos ang management contract mo sa Viva. Nakapag decide ka na ba kung ano gusto mo? Magpipirmahan ba uli?”

Nag-iisang IkawWhere stories live. Discover now