Chapter 16

9.5K 91 40
  • Dedicated kay @Asher Silva and @bochichoy24582
                                    

Lalong tumindi ang pag aalala ni Nhila kay Gerald ng ilang beses na siyang tumawag ay hind pa rin sinasagot nito ang tawag niya. Kahit ang mga text nina Ali at Jalal ay wala ding reply.

"Kayo ba talagang hindi nag aalala sa kanya?" Tanong ni Nhila sa mga kasama ni Gerald sa bahay.

"Nag aalala pero kilala mo naman yun , pag gustong mapag isa, ganoon talaga yun."

"Maaga pa naman para makatulog siya di ba? Alam na alam naman natin na kung matulog yun ay madalaing araw na. "

"Gusto lang siguro niyang mapag isa. Huwag ka ng masyadong mag alala." Sagot ni Jalal kay Nhila.

Inilabas ni Nhila ang phone at tinawagawan si Sarah.

Si Sarah naman ay katatapos lang makipag meeting kay Boss Vic sa Viva office. Duon sila nagtuloy after ng contract signing niya sa ABS CBN. Palabas na ito ng mag ring ang phone niya. Nagulat ang dalaga ng makitang si Nhila ang tumatawag. Kinabahan agad ito. Naisip niya agad na baka may nangyaring masama kay Gerald.

Kinakabahang sinagot ni Sarah ang phone niya. "Hello, Ate Nhila?"

"Hi Sarah , pasensya na ha kung nakaistorbo ako. Kumusta na?" Bati naman ni Nhila. Alam niyang nagulat si Sarah sa pagtawag niya.

"Ok naman ako Ate Nhila, nagulat lang ako na napatawag ka. Ano balita?" Pigil ang paghinga ni Sarah. Nanalangin na sana ay wala namang masamang nangyari kay Gerald.

"Si Gerald kasi, kagabi ko pa hindi makontak. Hindi din umuwi sa bahay nila. Sabi nila Jalal baka daw nasa condo sa Makati. Duon daw kasi ito madalas lately. Nag aalala ako , hindi sumasagot sa text at mga tawag ko. Baka naman pwedeng ikaw na tumawag sa kanya. "

"Ate Nhila, kaya nga pinalitan ko na ang number ko para hindi na kami magkapalitan pa ng sama ng loob."

"Please, madalas saiyo lang siya nakikinig. Nag aalala kami na mangyari uli yung nangyari nung una kayong mag away ng grabe. "

"Hindi naman kaya magkasama lang sila ni Maja at ayaw lang paistorbo."

"Sarah naman, alam mo naman ang tutuo di ba? Alam na alam mo yun girl kung gaano ka niya kamahal. Nakalimutan mo na ba na muntik na siyang mawala sa ating lahat nung unang matinding tampuhan ninyo kung hindi naagapan ni Ken. Nakalimutan mo na ba yun?"

Namutla si Sarah. Hinding hindi niya makakalimutan yun. Pinakalma ni Sarah ang sarili. Huminto ito sa paglalakad at sinenyasan and driver niya na sandali lang.

"Ate Nhila, hindi naman na siguro niya gagawin yun ngayon. May Maja na siya. Huwag ka ng magtaka kung madalas nawawala at hindi mo siya makontak. Sigurado yun magkasama lang sila. Di ba ganyan din siya nuon pag kami ang magkasama. Laging naka silent ang phone. " Nangiti si Sarah dahil nuon madalas siya din ang tinatawagan ni Nhila pag hindi nito makontak si Gerald.

"Si Maja kaya ang tawagan mo ate , baka sakaling sagutin niya ang phone niya kahit magkasama sila. " May halong lungkot ang boses ng dalaga.

"Sar'ah naman, huwag kang ganyan." Nararamdaman na ni Sarah ang talagang pag aalala ni Nhila.

"Hindi nga ate, baka nga magkasama sila. Huwag ka ng masyadong mag aalala duon pero tama lang na sermunan mo siya pag nakontak mo ha, dapat kahit isa man lang sainyo , sinasagot niya para hindi kayo nag aalala. "

"Sarah, hindi sila pwedeng magkasama ngayon dahil si Maja kasabay kong umalis ng ABS CBN compound .Alam mo ba kung sino ang sumundo sa kanya? Yun lang namang boyfriend niyang architect."

Muntik ng mabitawan ni Sarah ang phone.

Napahawak din si Nhila sa bibig. Nagulat din ito sa sinabi. Hindi pala niya dapat sinabi yun. Nakiusap pala ang management na walang ibang dapat makaalam ng tunay na nangyayari kung hindi sila lamang na mga directly involved. Alam niya dahil siya ang handler ni Gerald. May alam din sina Ali at Jalal pero hindi lahat. napansin din niyang nakatingin si Jalal at Ali sa kanya.

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon