Chapter 30

403K 7.7K 3.8K
                                    

Chapter 30

January 31, 20xx

Thursday



I want to blame myself for being naive. For being innocent dahil hindi ko alam kung paano iha-handle ang mga ganitong bagay. I want to curse myself for building up a great wall para hindi lang ako mainvolve sa magulong cycle ng laro ng pag-ibig. I want to put all the blame to myself.

Kasi sa ganung paraan, kahit papano gumagaan ang pakiramdam ko. Kahit ako na yung ipinagduduldulan kong mali. It felt satisfying sa hindi ko malamang dahilan. Siguro dahil hindi ko na rin kayang manisi ng iba dahil wala akong makitang rason para sisihin sila.

Put all the blame on me. Yes. At willingly kong tatanggapin lahat.

Napahinga ako ng malalim nang nakita ko ang sarili ko sa tapat ng isang familiar room. Madalas kasi dito ako naghihintay nung first sem pag naiisipan kong hintayin siya. Pero this time, hindi yung room nila ang ipinunta ko dito. Yung katabing room, ang rehearsal room ng CKnights.

May kelangan akong ayusin. Ang hindi ko lang alam ay kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na maglakad at pumunta dito.

Narinig ko yung lakas ng sound system sa loob pagkabukas ko ng pintuan.

'Andito ka na talaga, Gab.'

Napatingin sa akin yung ilan nung napansin nilang may ibang pumasok sa room. Napanguso yung iba at tinuro yung nagsasayaw na lalaki sa gitna. Yung iba kasi nakaupo sa sahig o kaya naman kumakain at halatang kagagaling lang din nila sa practice. Bakit siya lang ang nagsasayaw?

"Gabby," napatingin ako sa side ko. Si Rinrin. Tulad ng iba, namumula ang pisngi niya at pawisan. Medyo napaurong ako nung mas lumapit pa siya. Maya maya may binulong siya, "Kanina pa siya nagsasayaw. Ayaw tumigil. Kahapon pa siyang ganyan."

"Oy, lunch lang kami ha. Patigilin niyo ang halimaw na yan." Sigaw nung isang lalaki tapos lumabas na din. Madaming din sumunod sa paglabas ng ng kwarto. Pero kahit ganun at may natira, walang nagtangkang pumigil kay Russ.

Napatingin ako sa gitna ng room nang matapos na yung tugtog. Akala ko titigil na sa pagpa-practice si Russ pero lumapit siya sa stereo at may pinindot doon. Tumayo na din yung iba pang nagpapahinga at nakaupo sa sahig kanina. Sumenyas sila kay Rinrin at umiling.

"Hindi naman namin kaya yan eh." Magsasalita pa sana si Rinrin pero may tumapik sa balikat nito. Bakas sa pagiging inosente, natatakot at hindi alam na gagawin sa mukha ni Rinrin.

Tumunog ang isang panibagong dance music sa loob ng room nung makalabas pa yung ibang members. Kaming tatlo nalang ang natira dito.

"You can leave."

Nagulat ako nung magsalita si Russ. Rinig na rinig ko at ramdam ko ang pagiging cold niya. Tulad lang nung dating pakikisalamuha niya sa akin nung first sem.

"Gabby," naramdaman ko ang paghawak ni Rinrin sa braso ko. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Ni hindi ko nga alam kung paano ko nagawa yun. Pero nagtaka ako nung gasumot ang mukha ni Rinrin.

"Ba-bakit?" Magsasalita pa sana si Rinrin nung sagutin na ng isang tunog mula sa tiyan niya ang tanong ko. Napatungo ako at pinilit pigilan ang tawa ko. "Go, pagod ka na at-"

"Thank you, Gabby!" Nagulat ako nung tumalon si Rinrin at niyakap ako. Humiwalay siya sa'kin at tumingin kay Russ, "Tama na arte, Russy! Hmft!"

Saktong nagbago ang isang familiar na kanta nang makalabas si Rinrin. Lights Off by Jay Sean. Kahit yung galaw ni Russ kanina biglang napalitan ng moves na tama para dun sa kanta. Those sexy moves... and with that, naalala ko yung nangyare nung nakaraang New Year's. Hindi ko alam kung pasadya yun o part talaga nung steps ng sayaw nung saglit niyang tinaas yung t-shirt niya. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon