THE SECOND APOSTLE: TAURUS

133K 2.4K 137
                                    


"Sa mundo natin... lahat ng tao, halang ang kaluluwa... kung gusto mong makatagal at mabuhay, kailangan mong maging isa ka sa kanila..."

**********


TAURUS

Symbol: The Bull

Element: Fixed Earth

Angel: Hagiel or Anael

Apostle: Simon the Cananaean


Character:

Taureans are affectionate, amorous beings, deeply appreciative of beauty and elegance. They are slow to set into motion but unstoppable once on a given path. Often accused of stubbornness, they are really particularly persistent and stable. The patience is legendary. Peaceful, they are extremely sensual and tremendously enjoy touching and being touched. Yet beneath their placid exterior, anger can build up slowly and gradually, often over years. When it does reach the point of no return, the explosion is formidable enough to destroy everything in sight.

Source: Astrology for Enlightenment by Michelle Karen © 2008


**********


THE SECOND APOSTLE: TAURUS


Walang kwenta ang mundong ito.


Kahit saan ka tumingin, wala kang ibang makikita o maririnig kundi kasamaan sa mundo at sa paglipas ng panahon, ito na ang nagiging normal sa paningin ng tao.


Ulila na ako at lumaki sa kalye pero wala silang pakeelam doon. Pababayaan ka na lang nila at titingnan sa isang tabi. Ganun ang mga tao... ganun kasama ang mundong ito.


Araw-araw kang makikipagpatentero para mabuhay.


Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pinagmasdan ang mga bata na kasing idaran ko na naghahabulan sa kalye, namamalimos at nagnanakaw.


At isa ako sa kanila.


Ilang tao din ang lumalakad pasalubong sa akin, mga nagmamadali sa kanilang trabaho at mga lakad habang ako ay nananatili lang sa kinatatyuan ko.


Bigla akong tumakbo ng mabilis at mabilis na iniangat ang mga kamay ko saka nagtago sa isang maliit na eskenita.


Isang daan?


Isang daan lang ang laman ng wallet na ninakaw ko... walang kwenta. Agad ko itong itinapon ang wallet pagkakuha ng pera... Kung papaano ko ginagawa ang pangngupit at pagnanakaw na hindi nalalaman ng lahat... iyon ay sa bilis ng kamay at ng mga mata.


Kung mabagal ka at takot, siguradong mahuhuli ka...


Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon