Chapter 46: HIS SIDE

114K 2.4K 2.6K
                                    


CALEB POV


Everything was settled.


Pagpasok nya sa pintuan papunta dito, biglang bubukas ang dim light at tutugtog ang violinist ng Ordinary Song. Nakakalat sa sahig ang mga rose petals pati at dahan-dahan syang lalakad papalapit sa center table kung saan ako naghihintay. Ngingiti ako sa kanya at ganun din sya sa akin, lalapit ako at hahawakan ang kamay nya habang inaalalayan syang umupo.


Iaabot ko sa kanya ang bouquet and after a moment of appreciation how beautiful she is tonight, yayayain ko syang sumayaw pagkatapos nun, we will have our diner together under the fireworks and the lanterns in the sky.


Ok na ang lahat, sya na lang ang kulang.


Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti habang inaayos ang polo ko habang si Kneel naman ay naghihintay din sa tabi, once na dumating si Lyra, he will immediately leave the place for our privacy.


This is it.


This is the most special day kung saan sasabihin ko na sa kanya ang nararamdaman ko, kung gaano sya kahalaga sa akin, kung gaano ko sya kamahal. This is the day kung saan lahat ng lakas ng loob ko, ilalabas ko na.


Huminga ako ng malalim at tumingin sa relo ko. Nasa rooftop na ako at hinihintay na lang sya... I need to say it once more... the things I wanted to say to her.


There are a lot of things that I wanted to tell her but it only ends up in three words but somehow, I tried to come up with this.


"There is a young boy who fell in love with a girl. A girl who has everything, money, beauty and brain... everything... even the strength of a gangster queen. She's one of a kind girl and she means the world to him. He wants to protect her at any cost and tonight... that young boy is standing in front of you. It is me, Lyra and the girl I fell in love... is you. I love you from the very first day I lay my eyes on you till the last breath I have... will you be my girlfriend?"


Haiz. Bigla yata akong kinabahan habang prinapractice ko yung sasabihin ko sa kanya mamaya. Si Kneel nga, alam ko nagpipigil lang ng tawa ito eh, konti na lang... nandito na sya, ilang saglit na lang. Naghintay pa ako ng ilang sandali... dapat siguro magpakuha ako ng jacket para hindi sya lamigin mamaya.


Wag sanang umulan.


"Jacket?" lumapit sa akin si Kneel.


Buti na lang naandito si Kneel... Ano na naman kayang ginagawa nya at wala pa sya dito? Kinakabahan din ba sya katulad ko? Excited? Masaya? I can't wait to see her. Ilang saglit na lang. fireworks display na.


"Should I find her for you?"


Umiling na lang ako kay Kneel, siguro maghihintay na lang ulit ako baka late lang sya. Alam mo naman mga babae mahilig mag-ayos.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon