Chapter 18: PLAYBOY IN TROUBLE

164K 2.9K 730
                                    


HOSPITAL

THIRD PERSON POV


Papunta sya ngayon sa hospital kung saan nagpapahinga si Pamela. May isang bagay lang syang gustong linawin at alam nyang sya lang ang makakasagot nito. Hindi alam ni King ang ginagawa nyang ito pero bago nya sabihin ang lahat kay Jireh, gusto muna nyang makasigurado at mapaghandaan ang lahat kung sakali man na magkaroon ng panibagong gulo.

Dahan-dahan nyang binuksan ang pintuan at nakita nya si Pamela na nakahiga habang hawak-hawak ang cp nito. Halata din naman sa itsura nya na nababagot ito sa hospital, pero si King mismo ang may gusto nito.

"What are you doing here?" mataray na tanong nito saka inihagis ang cp sa tabi.

"May gusto lang akong itanong..." lumapit sya dito at hinila ang isang upuan at naupo sa harap nito.

"And what makes you think na sasagutin ko ang tanong mo?"

"Because I know na naguguluhan ka din sa mga nangyayari..."

Nagiba ang expression sa mukha ni Pamela at napaisip din ito. Saglitan sya nitong tiningnan at napayuko.

"Kahapon, sinabi sa akin ni King na mga underlings ni Persona ang nakalaban nyo. I know your ability Pamela, at sigurado ako na wala kang laban sa mga katulad nila. Kaya paanong..."

"It's her"

Hindi na pinatapos ni Pamela ang pagsasalita nya. Mukha din namang hindi sya nagulat sa sinabi nito, the truth is, yun nga ang hinihintay nyang sagot.

"I don't know kung papaano nya ginawa yon, all I know is isa lang syang probinsyana na dumidikit sa kuya ko but what happened yesterday... it makes me think na hindi sya ordinaryong babae..."

Ngumiti sya at tumayo na saka tinungo ang pintuan. Kahit papaano, unti-unti ng nabibigyan ng sago tang bawat tanong nya. Pero kulang pa... he needs more accurate information to support his doubts.

"Prime"

"Sana hindi makarating kay King kung anoman ang pinagusapan natin ngayon..."

Lumabas na sya ng kwarto at isinara ang pinto. Kinuha ni Prime ang cellphone nya at binuksan ang isang file kung saan nakasulat doon ang pangalang LYRA SALCEDO.

DAVAO CITY

CHRISTINE POV

Summer...

Dapat nasa beach ako ngayon, nagsasaya, nagswiswimming nagpapahinga, nagboboy hunting at inaappreciate ang gawa ng Maykapal pero heto ako ngayon, tinatakasan ang lalaking ito.

Simula ng araw an yun, lagi na lang nya akong sinusundan, may stalker na ako >_< pero kinakabahan parin ako.

Act normal... Act normal...

"Hello"

Tumigil si Quince sa harap ko sakay ng bike nito. Nakangiti sya sa akin pero alam kong peke lang ang ngiti na yon. Para akong nakikipaglaro sa isang tao na wala man lang akong alam kung ano ang nilalaro namin.

"Three years..."

Napatigil ako, ang salita na yan ang nakakapagpakaba sa akin at kumokonsensya pero dahil din sa tatlong taon na yon, nagkaroon ako ng mga kaibigan.

"Three years na pala dito sina Lyra at Caleb, nakakatuwa naman, yung kaibigan ko kasi... tatlong taon na din syang nawawala at alam mo ba, sa dagat sya huling nakita. Don't you think it's weird? Kasi-"

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon