Chapter 02: UNDERGROUND CITY

291K 4.7K 1K
                                    


Someone POV


Napapangiti ako habang pinapanood sa monitor ang laban ni Bloody Maria. Expected na talaga ng lahat na sya ang mananalo sa umpisa pa lang at katulad ng pangalan nya, ganun din sya kabrutal at kasama.


Umaayon lahat sa plano ko, ako ang kumausap sa F1 Racer na yun para hamunin si Virgo. Sya ang magiging bait ko para tapusin na ang buhay ng kinikilalang queen ng mga gangsta.


Nilalaro-laro ko ang baril sa kamay ko habang pinagmamasdan sya kasama ang iba pang gangster na nagsasaya.


"Magsaya ka na Bloody Maria dahil ito na ang huling araw na makikita ka ng lahat na nakangiti" kinuha ko ang maskara sa tabi ko at isinuot saka tumayo ako sa kinauupuan at lumabas sa kwarto hawak ang silver na baril ko.



Bloody Maria (Virgo) POV


"You are really something Virgo.... or should I call you, Bloody Maria, the Queen of the Gangsta"


Nagulat ako ng makita ko sya na nakatayo sa harap ko habang nakangiti. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap sya. Yung yakap na para ko na syang sinasakal. Aiz... namiss ko talaga ang malanding ito.


"LEO!!!"


Medyo napaatras pa sya ng kaunti sa biglang pagyakap ko at saka ngumiti. Alam ko na nasasakal sya sa yakap ko pero, di naman papalag yan eh. Bumitaw ako sa kanya at tiningnan syang mabuti. Hindi ako pwedeng magkamali, kahit may suot pa syang maskara ngayon makikilala ko sya.


Namiss ko sya, ang bestfriend ko. Ilang buwan ko din syang di nakita. Pag tatawag naman ako sa kanya sa Japan, saglitan lang kami makakapag-usap dahil bigla nya akong bababaan ng telepono. Bastos lang. Feeling ko nga noon, iniiwasan nya ako eh. Sayang, hindi ko mapipisil ang pisngi nya dahil sa suot nyang maskara.


"Akala ko hindi ka na pupunta"


"May inasikaso lang ako sa Japan. Nasaan na ang ibang Apostle?"


"Baka nasa Underground City na sila"


Ngumiti lang sya sa akin. Ang gwapo talaga ng hinayupak na to manang-mana sa kagandahan ko. Ginulo ko ang buhok nya kung saan agad naman nyang tinapik ang kamay ko at inayos ang buhok nito.


Grabe ang sakit ng tapik nya ha, ang bigat ng kamay ng lalaking ito, namula agad ang kamay ko.


Di parin sya nagbabago, ayaw na ayaw nyang ginugulo ang mala Greek God daw nyang buhok. Ipakalbo ko kaya sya tapos isubasta ko yung buhok nya? Yayaman ako nun.


"Mas mahal payan sa kotse mo"


"Tsk... pero mas mahal mo naman ako" at saka ko sya sinuntok sa braso.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon