Chapter 09: BATTLE FOR NO. 1

155K 3.1K 316
                                    


UNDERGROUND CITY

Third Person POV


Underground City


Kilalang lugar kung saan nagtitipon-tipon ang lahat ng mga gangster sa bansa at ngayon, kilala na ito bilang pinakamalaking libingan ng mga gangster. Nagkalat sa paligid ng lugar ang mga bangkay na nalipasan at pinabayaan na ng panahon. Hindi rin mawawala ang masasang na amoy ng mga bangkay at ang nakakakilabot na aura na kahit sino ay matatakot.


Ikinasa ni Persona ang baril nito saka itinutok sa lalaking naghahabol ng hininga. Tinapakan nya ang balikat nito saka ipinutok ang baril sa ulunan nito.


"Nandito ka lang pala"


Pinagmasdan ni Lowell ang paligid, hindi bababa sa isang daan ang mga bangkay na nakikita nya ngayon at ang lahat ng ito, isang tao lang ang may kagagawan.


Hindi na sya nagtaka sa mga pangyayari, nasa kalagitnaan sila ngayon ng gang war at isang batas lang ang pinaniniwalaan nila.


To kill or be killed.


Tiningnan nya isa-isa ang mga bangkay sa paligid, mga underlings sila ng ibat-ibang gang at Apostle at ang ilan sa kanila ay mismong underlings pa ni Scorpio o Persona.


Wala talagang pinapalampas ito kahit na mismong kasamahan pa nya.


Tumayo si Persona sa kinauupuan nito at tinatamad na naglakad paalis habang naghihikab pa.


"Kung iniisip mo na babalik sya dahil sa ginagawa mo, nagkakamali ka." nakatalikod lang ito kay Persona pero kahit ganun, nararamdaman nya ang matatalim na tingin na ipinupukol nito sa kanya.


"Alam nating lahat na wala na si Bloody Maria at kung buhay man sya, huli na para mapigilan pa nya ang Gangster War"


"She's alive."


Dahan-dahang humarap si Lowell sa kanya. Nakakuyom ang mga palad nito, pinipigil ang emosyon na itinago nya sa loob ng tatlong taon.


"I don't need any fucking evidence to prove it. I just know, Bloody Maria is alive."



WIMBLEDON UNIVERSITY

LYRA POV


Nakagroup na kami ngayon sa dalawa, draw lots ang ginawa ng Prof. para fair daw. Kagroup ko si Skye at Yola tapos si Pime, kagroup nya si Sungit, Ryo, at Dylan.


"Waahhh. Bakit? Bakit magkalaban ang grupo natin?" niyugyog ni Dylan ang balikat ni Yola habang naglalaro ito.


"Bok"


"Ang ingay..." simpleng sagot lang ni Yola, itinigil nito ang paglalaro at saglit na tumingin kay Dylan.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon