Chapter 31: THE KING, THE QUEEN AND THE RAM

154K 2.6K 779
                                    

Chapter Thirty One: THE KING, THE QUEEN AND THE RAM

WIMBLEDON UNIVERSITY

KLIO POV

Wimbledon University

Malaki nga ang school na ito, kung ganun dito pala sya nag-aaral. Nasa likod lang ng mataas at makapal na pader na ito ang kapatid ko, ang Helena Gang at si...

"Caleb"

Nakaupo sya sa itaas ng pader ng Wimbledon at nakatingin sa akin. Nakangiti sya na para bang ineexpect na din nya ang pagdating ko.

"Easy, I came here as a friend..."

Friend... hindi ko alam kung matatawag ko pa syang kaibigan. Pakiramdam ko, he betrayed me. Sya pa mismo ang naglayo sa kapatid ko. Hindi ko alam kung anong pinaplano nya o dahilan nya at ginawa nya ito pero kahit ano paman yun, hindi ko sya mapapatawad.

"Tama nga ako na naandito ka..."

Nakatingin lang sya sa akin, hindi na ako magtataka kung papaano nya nalulusutan ang security ng school nila o kung ano paman.

"I want to talk to you personally but this is not the best place" inihakbang nya sa kabila ang mga paa nya at saka ulit nagsalita, "Let's meet somewhere else later, sa coffee shop perhaps"

Coffee shop...

Dun din kami unang nagkita ni Caleb at nagkakilala, doon ko sya naging kaibigan at possible na doon din matapos ang ugnayan namin sa isat-isa.

"Isa pa nga pala, personally means, walang underlings na kasama, you know what I mean" at tumalon na sya pabalik sa loob ng Wimbledon.

Ano na naman ang pinaplano mo, Caleb?

LYRA POV

Sumasakit ang ulo ko. Bwisit na dalawang iyon, mas lalo yata akong magkakasakit.

Naguguluhan na nga ako sa mga nangyayari sa buhay ko, sa mga ala-ala ko na unti-unti nang bumabalik tapos dadagdag pa ang dalawang ito.

"Good Morning Lychii"

"Hoy hoy, sinong may sabi na pwede kang dumalaw dito? Dun ka nga sa Wimbledon High"

Bwisit... ang ingay ng dalawang ito, ganyan lagi ang eksena nila kada araw kaya sumasakit ang ulo ko. Pumupunta dito si Isly para daw dalawin ako, syempre, sinasamahan sya ni Shin kasi kung hindi... panigurado maliligaw ito. Meron pala talagang mga tao na walang sense of direction noh.

At syempre si Sungit, kailangan pa ba ipaalam ang rason nya kung bakit sya naandito?

Nagtatalo padin yung dalawa, bahala sila dyan maaga ang klase ko ngayon, absent na ako kahapon dapat pumasok na ako ngayon. Malapit na ang examination kaya dapat mag-aral ako nang mabuti patapos na din pala ang vacation sa Davao, kamusta na kaya si best?

Speaking of bestfriend, yung isa kong bestfriend nawawala na naman, magpakita lang talaga sa akin iyon naku, humanda sya sa akin.

"Hoy Panget!"

Napansin din pala na umalis na ako, sumunod naman si Sungit sa akin habang si Isly ay naiwan na dun sa tapat ng dorm kasama si Shin.

Nung una, natutuwa talaga ako sa kanila, I mean, dinadalaw nila ako at isama pa na may dala silang pasalubong kaso, yung lagi nilang pagbabangayan ang hindi ko matagalan. Ang sisimple lang naman ng pinag-aawayan nila, lalo tuloy napaghahalata na isip bata ang Sungit na ito at si Isly naman, parang natutuwa pa.

"Anong klase mo?"

"Stats"

Ngumiti si Sungit sa akin at umakbay habang sabay kaming naglalakad. Syempre,ayan na naman yung mga tingin ng mga tao sa amin. Akala ko talaga, hindi na nya ako papansinin eh.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon