Chapter 55: WIMBLEDON ON FIRE

110K 2.4K 845
                                    


LYRA POV


"Lyra.. I am"


I am...? Anong gusto nyang sabihin? Don't tell me, totoo ang hinala ni Prime na sya nga talaga si Leo? Kinakabahan ako sa kung anomang sasabihin nya at sana hindi yun ang marinig ko mula sa bibig nya.


"Caleb?"


Biglang bumukas ang pintuan at sabay kaming napatingin dito, si Kuya Klio. Kung ganun, alam na din pala nya ang nangyari sa akin. Ang bilis nga namang kumalat ng balita. Humarap ako kay Caleb at hinihintay ko parin ang sasabihin nya.


"Lyra. I am." saglit syang tumigil at huminga ng malalim saka tumingin ulit sa akin. "Sorry"


"Ang kulit mo naman."


Ginulo nya ang buhok ko at saka ngumiti... bumalik sya saglit kay Kuya Klio bago tumayo at tinungo ang pinto.


"Please take a rest."


Bahagya lang akong tumango sa kanya saka nya isinira ang pintuan. Kinakabahan ako sa lalaking iyon, parang iba na si Caleb, hindi na sya katulad noon. Bumaling ako kay Kuya Klio na nasa may pintuan, hindi ko alam kung papasok sya o hindi.


"Just a minute." saka sya lumabas sa room ko at isinara ang pinto.


Bakit kaya, hindi ba bestfriend sila, bakit parang nag-iiwasan sila? At saka paano nalaman ni Kuya Klio na nasa Hospital ako? I know, he's a gangster but I don't think na malalaman nya agad ng ganun kadali ang nangyari sa akin.


Bumangon ako sa kama ko at saka hinawakan ang stand ng dextross na nakakonekta sa pulso ko. Lumakad ako papalapit sa pinto gusto ko sanang marinig kung anong pag-uusapan nila. Alma kong maraming tinatago sa akin si Caleb at gusto kong malaman yon.


Bahagya kong binuksan ang pintuan pero wala silang dalawa... saan sila nagpunta?



KLIO POV


Mukhang wrong timing ako... but I doubt, magagawang sabihin ni Caleb sa kanya ang totoo.


"Caleb!"


Lumingon sya sa akin at tumama lang naman sa pagmumukha nya ang kamao ko. Alam ko din na sinadya nyang hindi iwasan ito pero magkaganun paman... kulang pa yan sa lahat ng ginawa nya.


"What? Nagkakamali na ba ang mga calculation mo ngayon at pati si Lyra napapahamak ng dahil sayo o sinasadya mo din ang lahat ng ito?"


Napahawak sya sa labi nya at saka tumayo... Lumakad sya papalayo sa akin at hindi ako pinansin pero hinawakan ko sya sa balikat at pilit na iniharap. Susuntukin ko ulit sana sya ng mapatigil ako...

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon