Chapter 33: TRES MARIAS

139K 2.4K 496
                                    

Chapter Thirty Three: TRES MARIAS

THIRD PERSON POV

"So, will stick to our plan?"

Nagkatinginan pa silang tatlo bago sabay-sabay na sumang-ayon. They're having their usual meeting na hindi alam ng leader nila. Anyway, they will do this para din naman sa kanya.

Things became more complicated sa pagdating ng Death Monarch at dapat na nilang bawasan ang mga kalaban nila and this is the right time...

"What if she find out?"

"That will never happen kung walang magsasalita..."

Alam nila kung papaano magalit ang leader nila kaya naman hanggat maaari, ayaw nilang galitin ito. They keep their identity secrets para protektahan ang isat-isa kahit na minsan, gusto na din nilang lumaban.

Two pictures are place in the center table at nakatusok sa mga ito ang isang card na may tatlong babae sa gitna.

"So the target is... Haruna Kwon of Death Monarch and Yola Ishikawa of Helena"

"Let's do this... Tres Marias"

LYRA POV

Saan ba ako dadalhin ni Ate Jealyne? I mean, bigla na lang nya ako kinaladkad at may pupuntahan daw kami kaso di naman nya sinasabi kung saan, baka mamaya, kidnapping na pala ito, jusmiyo wala akong pangransom.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Saan nga ba?"

Shems... don't tell me, kilaladkad nya ako without knowing kung saan kami pupunta? Ok, wait ako pala ang humila sa kanya kaso sabi nya may pupuntahan daw kami diba?

"Naexcite talaga kasi ako ng makita ka, saan mo ba gustong pumunta? Wag out of the country ha, kababalik ko lang from Italy"

Wow, out of the country agad? Libre ba ako? Saka, from Italy... oo nga pala taga dun si Kuya Klio.

Saan nga ba? Wala din akong idea kung saan magandang pumunta. Although pwede kaming lumabas, hindi rin naman ako masyadong nakakapaggala dito.

"Alam ko na, puntahan muna natin sina Klio and let the boy's decide kung saan tayo pupunta" at ayun, hinatak na naman nya ako kung saan.

Nakakapagtaka lang ha, kasi ako nung first day ko dito talagang naliligaw ako pero sya, mukhang kabisadong-kabisado na nya ang buong Wimbledon, hindi kaya dito sya nag-aral?

At isa pa, ang gaan ng loob ko sa kanya na para bang matagal na kaming magkakilala... baka kakilala ko sya sa previous life ko.

Maya-maya nakita na namin sina Kuya Klio at may kasama pa syang ibang tao na pamilyar sa akin. Pero dahil nga nakatalikod sila, hindi ko masabi kung sino at sana, mali nga ang hinala ko.

"Kuya Klio!"

Sigaw ko, napatingin naman sya sa akin at ngumiti saka naman dahan-dahan naglingunan yung mga nakatalikod sa amin.

At mukhang tama nga ang hinala ko... ang Helena Gang.

"Lyra?"

Nagtataka silang tumingin sa akin lalo na si Sungit na halos magkadikit na yung kilay nya. Hala, anong ginawa ko?

"Hi"

At agad naman lumapit sa amin si Kuya Klio at yumakap sa bewang ni Ate Jealyne. Wow, ang sweet... sana ako din. Tumingin ako kay Sungit na nakatingin parin sa akin,

Si Sungit, yayakapin ako ng ganyan? Naku wag na lang...

"Magkakilala kayo?"

"Oo" pero kay Sungit ako nakatingin.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon