Chapter 12: MEMORIES

157K 3.1K 347
                                    


DAVAO CITY

CHRISTINE POV


One month.


One month na ang nakakalipas simula ng umalis si Lyra papuntang Wimbledon University at hanggang ngayon hindi parin nya ako tinatawagan.


Isa pa itong si Caleb... nang umalis si Lyra, bigla na lang din syang naglahong parang bula. Well hindi ko naman ineexpect na magistay sya dito. Iniisip ko pa nga na susundan nya si Lyra sa Manila kaso dapat man lang nagpaalam sya hindi yung bigla na lang syang naglahaong parang bula diba?


Kaya heto ako ngayon, naglalakad ako ngayon mag-isa papasok sa school...


I'm so lonely lonely lonely.... I'm so lonely lonely lonely... ♪ ♫


"Miss"


Parang nagtaasan lahat ng balahibo ko sa likod ng marinig ko ang boses na yun. Sigurado akong lalaki sya at mas matangkad sa akin tapos nakahawak yung dalawang kamay nya sa balikat ko. Hala... hindi kaya holdapper ito? Kidnapper? Carnapper? Ohmegerd... anong gagawin ko? What to do? What to do?


Ano kaya kung lumingon ako at bigyan ko sya ng malakas na sipa sa ano... dun... sa ... alam nyo na basta dun. Tama.


Dahan-dahan kong inilingon yung ulo ko...


"Wag kang lilingon"


Agad naman akong napaharap. Huwahahaha... Nakakatakot ang boses nya. Somebody help me... Huwag daw akong lilingon. Mommy... Hindi kaya member ito ng isang gang? Tapos kukunin nya yung lamang loob ko at ibebenta sa black market at yung dugo ko ihahalo sa semento ng ginagawang tulay.


Caleb my hero... nasaan ka na ba? Save me please!!! Buti na lang naandito na kami sa school...


School?


Anong ginagawa namin dito? Hindi ba nya ako dadalhin sa isang abandonadong gusali o kaya isasakay sa van... diba ganun yun? Baka naman naandito yung secret hideout nila. Dirediretsyo lang kami ng lakad, nasa likod ko parin sya at nakahawak yung dalawa nyang kamay sa balikat ko.


Sasabog na ang puso ko sa kaba.


Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante dito, yung iba nagbubulung-bulungan. May mga kinikilig at yung iba, nakataas ang kilay. Ohmegerd... sino ba kasi itong nasa likod ko?


Nakikita ko na yung classroom namin. Tama, tatakbo ako ng mabilis papasok dun kasing bilis ni Flash!


Epic fail... Bat kami lumiko? Napansin ko na papunta kami sa... sa CR? Shetness... hindi lang pala member ng gang ito, mukhang rapist din. Baka naman member ng sindikato ito at balak nya akong pagbilan ng shabu o drugs! At doon nya ako pagbebentahan. O kaya dito nya gagawin ang krimen nya... napahawak ako sa dibdib ko... tama, rerapin nya muna ako tapos saka nya kukunin ang lamang loob ko...

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon