Chapter 54: LIMITATION

111K 2.4K 559
                                    


LYRA POV


Kilala ko si Caleb kahit na sabihin pa na minsan, pinagdududahan ko sya, sya parin ang bestfriend ko at alam kong hindi nya magagawang magsinungaling sa akin. Pero kahit ako... gusto ko rin malaman ang totoo. Kung sya nga si Leo, mas lalong lalaki ang percent na ako nga si Bloody Maria o Virgo.


Hinawakan ko ang kamay nya ng mahigpit, kahit minsan... hindi pa sya nagsinungaling sa akin at alam kong hindi nya magagawa sa akin yon.


Hindi si Caleb..


"Caleb, matagal na kitang kilala... bestfriend kita at gusto kong sabihin mo sa akin yung totoo, ikaw ba si Leo?"


Tiningnan nya ako ng seryoso at humigpit din ang kapit nya sa kamay ko... Please tell me, mali si Prime... hindi ikaw si Leo...


Yun ang gusto kong sabihin nya, pero may isang side sa pagkatao ko na tumututol dito...


"Hindi"


Saglit ko pa syang tinitigan para malaman kung totoo ba yung sinasabi nya at agad ko syang niyakap. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaya para malaman nya na nagtitiwala ako sa sinasabi nya, hindi si Caleb ang klase ng tao na magsisinungaling o lolokohin ako...


"I'm glad to hear that, ngayon... kampante na ako. Hindi ka naman magsisinungaling sa akin diba? Kahit mukhang loko-loko ka, hindi ka magsisinungaling sa akin, Caleb"


Tahimik lang syang nakatingin sa akin... hindi sya magsisinungaling sa akin, alam ko yon.



HELENA HEADQUARTER

JIREH POV


Dahil sa mga sinasabi ni Prime, nagugulo na ang lahat pati kami ni Lyra. Natural na ipagtanggol nya yung kupal na yun, bestfriend nya yun eh. Pero mapilit talaga si Prime, yun ang gusto nyang paniwalaan naming lahat.


"Stop it Prime, itigil mo na ito. Kung ginagawa mo ito para sirain kami ni Lyra"


"Hanggang ngayon ba ganyan parin kakitid ang utak mo?"


Hindi ko na napigil ang sarili ko at agad ko syang sinuntok. Napatumba naman sya sa ginawa ko at nagulat din ang iba pa naming kasama. Saglit na natahimik si Prime na para bang ineexpect na din nya na gagawin ko yon. Of course, he is Prime Yvanovinch at aaminin ko, madalas akong dumepende sa kanya but not this time...


"I see"


Hinawakan ni Prime ang pumutok nyang labi saka tumayo at sinuntok din ako. Bahagya akong napaatras pero sinugod ko din sya ng makabwelo at itinackle. Napatumba kaming pareho at nagginulong sa sahig.


Natamaan pa namin ang couch at mesa sa HQ at nabasag din ang ilang gamit dito. Itinulak nya ako at saka sinuntok ulit na naiwasan ko. Sinipa ko sya sa sikmura saka tumayo pero itinulak nya din ako.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon