Chapter 19: THE 'IT GAME'

145K 2.9K 389
                                    

Chapter Nineteen: THE 'IT GAME'

SENDAI MIYAGI PREFECTURE, JAPAN

LOWELL POV

He's here...

Nandito ako ngayon sa mansion para magreport sa kanya. Tatlong taon na din ang nakakalipas simula ng bumalik sya dito at ngayon, nalaman ko nga na naandito sya.

Ano kayang problema?

Pumupunta sya dito kapag may mga bagay na gusto syang malaman o paimbestigahan katulad nung huli nyang pagbisita dito. Akala ko magistay na sya dito pero nagkamali ako.

"おかえりなさい、マスター (Okaerinasai, masutā)" (Welcome back, Master)

Sinalubong ako ng mga underlings namin na nakayuko habang dumadaan ako. Nakasuot sila ng yukata at hawak-hawak ang kanilang kanya-kanyang katana.

Malaki ang mansion na ito kung ikukumpara sa iba pa at nakadesenyo din ito ng tradisyunal na Japanese house. Pero kahit ganun, may isang particular na kwarto lamang sya na pinupuntahan at doon ako patungo ngayon.

Tumigil ako sa harap ng pintuan nito kung saan nasa labas at nakatayo si Kneel. Yumuko sya sa akin at pagkatapos ay inislide ang pinto para makapasok ako sa loob.

Naandoon sya sa gitna at ginagawa ang isa sa paborito nyang libangan, ang calligraphy. Naka-yukata sya habang nakayuko at nagsusulat.

Maingat ang bawat galaw nya at malinis ang pagkakasulat, kapareho-kapareho kung paano sya mag-isip at gumalaw.

Nakatayo lang ako sa harap nya habang pinapagmasdan sya. Hindi ko alam ang una kong sasabihin. Nang matapos nya ang ginagawa nya, doon ako nakakuha ng pagkakataon para magsalita.

Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya.

"Caleb"

KREISLER PLACE, PHILIPPINES

SKYE's POV

"I'm getting bored, lets play a game"

"Yeah"

Naagaw ang atensyon ng lahat ng magsalita sya sa unahan. Dahan-dahan akong tumayo habang hawak ang bugbog kong katawan. Kahit gustuhin ko mang umalis na dito, imposible yon sa kalagayan ko ngayon.

"Let's play the IT game"

Biglang nagsigawan sa tuwa yun mga naandito. Well, pamilyar ako sa larong yon pero hindi ko alam kung bakit sila naeexcite ng ganito.

"You get the IT, then you will win. If not, the IT itself will win"

Yeah, kailangan mo lang makuha kung anoman o sino ang magiging IT pero kapag walang nakakuha sa kanya, sya ang panalo. What a child's play.

"No rules, kahit ano pwede nyong gawin"

Kinakabahan ako, hindi kaya ako ang naisip nyang gawing IT? Shit! Arrgg... kailangan kong matawagan sina King, kailangan nilang malaman ang tungkol dito. Ang isa sa mga Apostle, ay naandito lang malapit sa amin... mamatay man ako dito ngayon, at least alam ko na makakagawa ng paraan sina King tungkol sa bagay na ito.

"Are you ready?" nakatingin sya sa akin.

Makaalis lang talaga ako dito, babalikan kita, pero alam ko namang imposible yon. Dati iniisip ko na ang Underground City ang magiging libingan ko, hindi pala... kundi ang lugar na ito.

"Yeah!!!"

"Another bloody night"

The IT Game, it's like a big hunt on a bloody evening.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon