Chapter 60: REVELATION

123K 2.6K 259
                                    


PRIME POV


Bakit hindi ko agad naisip ang bagay na iyon?


Sa Kreisler's Place ng magpakilala si Pisces, sya lang at mga tauhan nya ang naandoon maliban sa amin at kay Lyra then all of a sudden biglang dumating si Sagittarius at pinasabog ang lugar. Of course, its impossible na tauhan din ni Pisces si Sagittarius dahil malalaman nya yon so the only possibility is, isa sa amin si Pisces at ang biglang nawala ng oras na yon ay si Ryo.


Sinundan ko sya nun but someone stabbed my head, walang nakakaalam kung saang part ng Kreisler ako nagpunta but according to them, si Ryo ang nakahanap sa akin at dinala ako sa hospital... (Ref. Chap. 19)


Of course, sya ang makakakita sa akin dahil kasama ko na sya ng oras na yon not only that, madalas syang maiwan sa HQ and we thought na natutulog lang sya kaya I bet kapag mag-isa lang sya sa HQ, sya ang gumagalaw ng security system namin.


Pinagdudahan ko na sya dati noon pero isinantabi ko ang bagay na yun dahil kaibigan ko sya kaya ngayon, nalalagay kami sa isang alanganing sitwasyon.


Hindi ko alam kung anong gagawin namin once na makarating kami kung nasaan man sya. Alam kong hindi papayag si King na saktan ni Ryo si Lyra pero kaibigan namin sya at mahirap para sa amin ang kalabanin sya.


"Ryo..."



THIRD PERSON POV


Nakarating na sa Mansion ng mga Madrigal sina Helen at Cly... Hindi na nila ineexpect na may sasalubong sa pagdating nila o mag-aalala man lang sa sitwasyon nila. Busy ang lahat ng maid sa mga Gawain ng mga ito kaya naman nagtungo ang dalawa sa kwarto nila.


Halos tatlong oras din ang binayahe nila bago nakauwi pero kung tutuusin, mas gugustuhin nilang manatili sa Wimbledon kesa sa walang buhay na Mansiong ito.


"What's wrong?"


Si Cly na nakadapa sa kama ng kapatid habang nanunuod ng kdrama sa laptop nya. Hanggang ngayon ay iniisip parin nila ang nangyari na pagsabog sa Wimbledon at ang tao sa likod nito.


Hindi nila mapapatawad si Sagittarius. Bukod sa isa itong Apostle, pinatay din nito ang isang importanteng tao sa kanila... isa sa Tres Marias. Humarap naman sa kanya si Helen na nakaupo sa bangkuan at bakas sa mukha nya ang lalim ng iniisip.


"Iniisip ko lang yung sinabi ng Tres Marias about kay Lyra..."


Nabanggit nga ng Tres Marias yun kay Cly at maging sya ay naguguluhan sa mga pangyayari. Hindi lang yun, pati ang kaibigan nito na si Caleb ay pinagdududahan din ni Prime.


"Prime said si Caleb si Leo..."


"I heard about that, pero hindi naman nya napatunayan..."


Nagpatuloy sa panunuod si Cly pero ang buong atensyon nya ay nasa bagay na iyon. Sino ba talaga si Lyra at Caleb?

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon