Chapter 21: AGAINST HIM

141K 2.7K 310
                                    

Chapter Twenty One: AGAINST HIM

DAVAO CITY

QUINCE POV

Tama nga ang hinala ko.

After ng nangyari ng araw na iyon, sinundan ko sya sa kwarto nya at dahan-dahan kong binuksan ang kwarto nya. Nakita ko sya nang tanggalin nya ang damit nya at hindi na ako nagulat sa nakita ko.

Ang tattoo ng Virgo sa katawan nya.

Imposible akong magkamali, nakita ko na ito noon sa tuwing pupunta sya ng UC kaya alam na alam ko ang details ng tattoo nya.

Naginvestigate ako sa pagkatao nya, and I don't believe na coincidence lang lahat ng information nila, tugmang tugma ito sa mga nangyari before.

Agad akong nagtago at umalis sa bahay nya. Nung una, yung kaibigan nya ang iniisip ko na si Bloody Maria pero nagkamali ako, sa nakita ko ngayon, nasisigurado ko na si Christine Kwon nga si Virgo.

Kinuha ko ang mascara na nakapatong sa ibabaw ng drawer at humarap sa salamin.

Tatlong taon na din ng huli kong suutin ang mascara na ito at mukhang kailangan ko na ulit suutin ito.

May isang bagay pa na gumugulo sa utak ko pero saka ko na aalamin ang bagay na iyon.

"Be ready Bloody Maria, kung hindi ka pa namatay noon, ngayon I will make sure na mamamatay ka na talaga sa kamay ko"

KREISLER PLACE

LYRA POV

"Con-Conrad?"

Bwebwelo pa sana ako kaso agad nyang binaril ang kanang kamay ko dahilan para mabitawan ko ang katana na hawak ko, tumutulo na din ang dugo sa kamay ko.

Lumapit sya sa akin habang ako ay nanatili lang na nakaluhod hawak-hawak ang kamay ko na walang tigil sa pagdugo. Itinutok nya sa akin ang baril, pointed towards my head.

"Do you remember what I told you the first time we met? I said you remind me of someone in my past... gusto mo bang malaman ang pangalan nya?" bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Gusto kong malaman kung sino ang tinutukoy nya pero sa siang banda, nag-aalangan ako.

"Bloody Maria"

Parang sasabog ang puso ko. Hindi ko alam kung sino sya o kung anong papel nya sa buhay ko pero, may kakaiba akong naramdaman sa pagkatao ko.

Pinutok ni Conrad ang baril at napapikit na lang ako, hinihintay ang bala na tatama sa ulo ko. Alam ko, kapag nangyari iyon, katapusan ko na.

"Kapag sinuswerte ka nga naman"

Napadilat ako ng magsalita sya, walang bala na lumabas sa baril. Tiningnan ito ni Conrad at pinindot ng pinindot pero wala talagang balang lumalabas at sa tingin ko wala na din syang magazine na natitira.

Pinunit ko ang laylayan ng shirt ko at binalot ang duguan kong kamay, baka pagkaubos pa ng dugo ang tuluyan kong ikamatay. Pinulot ko ang katana at tumayo paharap sa kanya.

Hindi ko ito maituturing na advantage, kahit na wala na syang bala alam ko na kaya parin nyang lumaban. Isa parin syang Apostle, iyon ang dapat kong tandaan. Pagod na rin ako at nanlalabo na rin ang paningin ko, siguro dahil sa dugo na nawala sa akin.

Naramdaman ko ang biglang pagkahilo at ginamit kong pangsuporta ang katana na hawak ko.

"I never thought na magiging ganito kahina ang queen of gangster"

Tumingin ako sa kanya. Hanggang ngayon, nalilito parin ako sa mga sinasabi nya. Bloody Maria? Queen? Sino nga ba sila?

"Hindi kita maintindihan"

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon