Chapter 37: EXCEPTION

114K 2.4K 287
                                    


RYO POV

"Ryo"

Napalingon ako ng tawagin ni Lyra ang pangalan ko. I was surprised na ako ang nilalapitan nya ngayon at hindi ang ibang member ng gang.

"Sabihin mo sa akin ang totoo..." then napayuko sya "Si Sungit... si Jireh..."

Kahit kami ang may pinaka advance na Medical Company sa buong mundo, wala parin kaming nagagawa para sa poison na kumalat sa katawan ni King and ang masaklap, it will only takes time at mamamatay na sya.

Sinabi ni Prime na wag ko ng sabihin sa kanila ang tungkol doon dahil mas lalo lang silang mag-aalala and to avoid too much commotion pero sa tingin, kahit hindi ko na sabihin ang tungkol sa bagay na iyon, naiintindihan na ni Lyra ang mga nangyayari.

"How long?"

"Hour, no maybe minutes..."

Npapikit sya sa sinabi ko, naiintindihan ko ang nararamdaman nya pero wala kaming magagawa sa ganitong sitwasyon.

May kinuha sya sa bulsa nya at hinawakan nya ang kamay ko. She put something in my palm, a small bottle at hindi ko alam kung para saan yon.

"I don't know what it is pero..."

"Where did you get this?"

Kahit hindi na nya sabihin, alam ko kung ano ang gusto nyang ipagawa. Maybe this is an antidote sa poison pero kailangan parin naming iconfirm yon.

"Hindi na importante iyon" then ngumiti sya sa akin.

After that, she hurriedly walks away from me pero bigla ko syang pinigilan at hinawakan sa kamay.

"Saan ka pupunta?"

"Sabihin mo kay Sungit, gumising na sya. Ayoko sa mga lalaking batugan"

"Lyra..." pero tinanggal nya lang ang kamay ko.

Kinakabahan ako sa plano nya, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya, para syang nagpapaalam o kung ano. I take out a simple device sa pocket ko at iniabot ito sa kanya.

"Take this... isa yang tracking device para naman pag nagising na si King at hinanap ka, may isasagot ako sa kanya"

Kinuha naman nya ito at umalis na sya. Kinakabahan parin ako, ano bang nasa isip ng babaeng iyon? Tiningnan ko ang bote sa kamay ko at tumungo sa laboratory.

After ilang minute ng examination, we found out na antidote nya ang nasa bote na ibinigay ni Lyra. Agad namin itong ininject kay King at naghintay ng resulta, hanggang ngayon, palaisipan parin sa akin kung papaano nagkaroon ng antidote si Lyra.

Hindi kaya kilala nya ang lumason kay King?

Kahit si Prime, nagtataka kung saan ko nakuha ang antidote. Hindi ko sinabi na kay Lyra galing ito dahil panigurado, hindi titigil si Prime hanggat hindi nya nalalaman ang totoo.

After a couple of hour, nagising din si King at gaya ng inaasahan ko, si Lyra agad ang hinanap nito ng banggitin ni Dylan na dumalaw ito sa kanya.

Sa bilis ng pagpapatakbo ni King ng sasakyan, nahanap na din namin ang lugar kung nasaan si Lyra dahil sa tracking device na ibinigay ko sa kanya and to our surprise, Ellione was there.

Not just Ellione, but two of them....

Pareho silang may mga sugat ni Lyra, kahit hindi na sabihin, alam na namin ang nangyari dito. Agagd na hinugot ni King ang baril nito at itinutok kay Ellione, who ever Ellione was that.

"She became my friend at alam kong ginawa nya lang ito dahil isa syang Apostle" Lyra said.

Apostle? Isang Apostle lang naman ang kambal and that is Gemini. Who would have thought na nasa paligid lang namin ang isa sa mga Apostle at roommate pa ni Lyra.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon