Chapter 07: WIMBLEDON UNIVERSITY

182K 3.5K 529
                                    


LYRA POV


Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa, tingin sa baba, tingin sa taas at magpaikot-ikot pa.


Thank you Lord, after forever years, narating ko din ang Wimbledon University.


Mataas na pader, madaming CCTV Camera, ang daming guards na nakauniporme, ginto na gate. Eto na talaga yun!


Nagkaligaw-ligaw ako papunta dito, tapos yung pinagtanungan ko pa ang sabi sa America daw yun... buti na nga lang may pulis na tumulong sa akin.


"Finally Lyra, nakajackpot ka!" tears of joy.


"Anak ka sa gipanitang kabayo!" Anak ka ng tinalupang kabayo!


Napatalon ako sa gulat ng may biglang bumusina sa likuran ko.


Sino ba yun? Muli itong bumusina and this time, sunod-sunod na. Ay ano ba? Makabusina, kanya kalsada? May titulo ng lupa? Presidente ng Pilipinas.


Teka, may sunog nagmamadali?


"Fuck"


Dahan-dahan akong lumingon at ang ganda-ganda ng kotse, kulay black. Ang kintab kintab, mukhang sa ibang bansa pa binili, walang ganyan sa amin.


"Damn, get out of my way!"


Get out? Shongaks... nasa gitna pala ako ng daan. Pasensya naman, nag-Wimbledon, namangha, natunganga lang. Ibinaba nya yung bintana ng kotse nya at nagliwanag ang kalangitan. Nagbabaan ang mga angel sa langit at isang gwapong nilalang ang nagpakita. Hallelujah!


Echos lang, syempre yan yung gusto kong makita kaso hindi iyan ang iniluwa ng langit. Kewl~ nakashades sya habang nasa loob ng kotse, parang libing lang ah. Mataas siguro sikat ng araw sa loob ng kotse nya.


"What?! Hindi ito Dreamland para tumunganga ka dyan"


Sungit naman nito, heto na nga, tatabi na, akala mo naman sa kanya yung daan.


"Ang laki-laki ng daan, kailangan talaga dito ka sa gitna dadaan?" pabulong ko lang sinabi yan, baka mapaaway ako eh kabago-bago ko dito.


"Ang laki-laki ng daan, kailangan dyan ka sa gitna nakaharang"


Antipatiko! pero narinig nya yun? talas ng pandinig ha. Bumusina ulit sya and this time, may kasama ng pagmumura. Ahrg! Mababasag ang eardrum ko, bumusina ba ng bumusina? Ano bang problema nya


"In-ani iay ang mga tao dire sa Wimbledon, mga kapayason? Ngano kai gwapo ka, puti ug ehem... tsada ang sakyanan, pwede naka mag-storya ug in-ana? Baga ud." Ganyan ba lahat ng tao dito sa Wimbledon, mayayabang? Hindi porket gwapo ka, maputi at ehem... maganda ang kotse, pwede ka ng magsalita ng kung ano-ano, yung kotse lang naman talaga nya maganda eh.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon