Chapter 32: THE OUTSIDERS

140K 2.7K 256
                                    

SOMEONE POV

"Ha... Ha... Ha..."

Kanina pa ako tumatakbo, hindi ba ito matatapos? Pakiramdam ko hindi sila nauubos kahit na ang dami ko nang napatay sa kanila.

Napasandal ako sa pader at sumilip, malapit na ako sa Wimbledon, konti na lang. Tiningnan ko ang kamay na nakatakip sa tagiliran ko, mas lalong lumalabas ang dugo sa pagkilos ko, kailangan ko nang magmadali kung hindi, baka dito pa ako mamatay.

"Nandito sya!"

Napapitlag ako ng biglang may sumigaw sa tabi ko, Shit! Nakita na nila ako. Isa-isang nagdatingan pa ang mga gangster squad, mukhang wala na akong takas, kailangan kong lumaban.

Naghagis ako ng smoke bomb sa harap nila at gamit ang kutsilyo na hawak ko, agad akong sumugod sa kanila at umatake.

Dahil sa smoke bomb, hindi nila nakita ang pagkilos ko, sinaksak ko ang hita ng isa sa kanila at pagkatapos nito, sumugod pa ako sa isa at pinuntirya ang batok nito.

Sunod-sunod na bumagsak ang mga gangsters na humahabol sa akin, ginamit ko ito para makatakas bago pa dumating ang ibang gangster na humahabol sa akin.

Medyo mabagal na ang kilos ko at ilang beses na din akong muntikang matumba. Mabuti na lang at kabisado ko na ang pasikot-sikot dito sa Wimbledon at alam ko na kung paano lulusutan ang security dito.

Nakarating na ako sa dorm, pagod na pagod na ako at sigurado ako na marami na ding dugo ang nawala sa akin. Good thing, walang amsyadong tao dito, pumasok ako sa isang lugar, dahil nga sa nahihilo na ako, kung saan-saan na tumama ang katawan ko at may mga nasanggi ako.

Shit! Sana walang nakarinig nun...

Napasandal ako sa isa sa may mesa na nasa gitna, magpapalipas siguro muna ako ng ilang oras dito bago umalis. Napatigil na lang ako ng biglang bumukas ang ilaw at makarinig ng yabag papunta sa pwesto ko.

LYRA POV

"What do you think you're doing, Lyra?"

Agad akong napalingon ng marinig ko ang panaglan ko and there, she was standing looking at me straight to my eyes... imposible...

"Ellione"

Lumapit sya sa akin at tiningnan ang buong lugar, mukhang hindi na ito na sopresa sa nakita.

Kung nandito sya at kararating nya lang, imposible na sya yung nakita ko kanina pero... imposible eh.

"What's with the gulat-gulat face Lyra?"

"Akala ko... akala ko ikaw yung nakita ko" inilibot ko ang paningin ko habang pumasok sya sa loob at tiningnan din ang lugar. "May nakita ako na tao dito at akala ko ikaw yon kaya nagpunta ako dito"

Bahagya pa akong naglakad at nilibot ang lugar, basa pa ang dugo kaya panigurado ako na bago lang ito. Dito rin natapos ang trace nya kaya possible na naandito pa iyon.

Tiningnan ko ang paligid, wala akong makita, samantalang si Ellione ay naglakad papunta sa may lamesa at tumingin-tingin din.

"May tao ba dyan?"

"None" at nagkibit balikat lang sya.

"Should we call the Police?"

Baka kasi kung anong nangyari at isa pa, baka may mga criminal na nakapasok dito mahirap na.

"Dahil its you who isip that, then you make the tawag-tawag"

Tinitigan ko si Ellione, kung sabagay, ako ang unang nakakita at nakarinig sa mga ingay kaya dapat ako din ang magreport.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon