Chapter 40: EMPOWERING WRATH PART 2

120K 2.4K 641
                                    


CHRISTINE POV

So this is Wimbledon...

Kailangan kong makita si Caleb but the problem is, masyadong mahigpit ang security at wala pa akong nakikitang way na pwede kong daanan maliban lang dito.

Agad akong tumalon sa pader, medyo nahirapan ako dahil bukod sa pagod na din ako, may kataasan pa ito.

Mabuti na lang at damuhan ang binagsakan ko, lumingon pa ako sa paligid, wala naman masyadong tao, iba rin ang angle ng CCTV dito.

Mabilis pero maingat akong tumakbo sa hallway... sa ngayon ang kailangan ko lang makita ay si Caleb. Alam kong alam na din nya ang mga nangyayari ngayo pero mas magiging ligtas ako pag sya ang kasama ko.

"Christine?"

Agad akong napatigil ng may tumawag ng pangalan ko. Shit! Natural lang na naandito sya pero hindi ko ineexpect na sya pa ang unang makakakita sa akin.

"Best, ikaw ba yan?"

Hindi ko alam kung lilingon ba ako o hindi. Alam kong mas mapapadali kung lalapit ako sa kanya para ituro kung nasaan si Caleb pero kapag ginawa ko iyon, siguradong pagdududahan nya ako at magtatanong sya ng kung ano-ano.

"Excuse me Miss..."

Isang tao pa ang nagsalita sa likod ko, agad akong tumakbo para magtago at pinakinggan sila. Daman you Quince! Nahanap nya agad ako at hindi lang yon... kausap pa nya si Lyra ngayon.

"Lyra Salcedo" he said.

Wrong move Quince, matalino si Lyra... hindi mo dapat sinabi agad ang pangalan nya.

"How did you know my name?"

"Ah... I'm Quince James Trajano, ako ang Exchange student ng Wimbledon sa Ateneo"

Maybe it will buy us a time kung mag-uusap pa sila pero hindi ko pwedeng iwanan na lang basta si Lyra, baka saktan sya ni Quince.

"I'm here para magreport since next week pa naman ang start ng klase... Hindi ko kasi alam na magkaiba pala ang starting class ng Ateneo at W.U"

Tsk... artista din ang isang ito.

"Ng ganitong oras?"

"No, sa dorm lang ako matutulog bukas pa talaga ako magrereport"

Napansin ko na medyo napapalingon si Quince sa direksyon ko at ganun din si Lyra. Posible kayang nararamdaman nila ang presensya ko?

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko"

"About your name..." napakamot pa ito sa ulo, "Christine told me about you"

Sinungaling talaga ang isang ito, ng mapansin ko na may iba pang taong paparating, agad na akong umalis. Somehow, I'm sure na ligtas si Lyra and for Quince...

Hindi ka dapat nagpakilala sa kanya...

HELENA GANG HEADQUARTER

JIREH POV

"Sa tingin ko, wala na dito ang ulo ni Lowell"

Fuck! Sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip at hanggang ngayon, hindi ko parin kilala kung sino ang kumuha ng ulo nya but one thing is I know...

"This is enough"

"King..."

Tumayo ako at kinuha ang baril ko saka tiningnan ang mga kasama ko. Maybe it will be hard na hanapin sya but I am talking to a one man. Lagi lang syang nasa paligid at gumagawa ng gulo kaya sigurado ako na hindi mahihirapan si Prime na hanapin sya, not Persona.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon