Chapter 41: SHE'S IN...

121K 2.4K 892
                                    


PRIME POV

Weird.

That time na inihagis ni Leo ang smoke bomb nya, may chance na sya para atakihin si King pero hindi nya ginawa at mas piniling tumakas.

Maybe he didn't expect ang pagdating namin at si Persona lang talaga ang target nya but it feels like not him... Masyadong reckless ang kilos nya kumpara sa kilalang Leo at dahil doon, mas lalo tuloy hindi ko malaman kung anong susunod na ikikilos nya.

Or maybe, he is changing his way para hindi talaga malaman ng iba ang ikikilos nya...

Kung alam na nya ang nangyari kay Lowell, na underling nya, dalawang conclusion lang ang naiisip ko. Nandito mismo si Leo sa Wimbledon o may underling din syang nagmamasid sa amin.

Yun ang dapat kong malaman...

Kagabi, gaya ng inaasahan... may dumating na mga gangster pero mga tauhan lang sila ni Leo, mabilis din naman akong nakaalis, dahil hindi rin anman sila nagsimula ng gulo.

They came as a back up in case na may nangyaring hindi maganda, siguro kung hindi agad kami nakaalis doon, dehado kami.

Persona killed Lowell para mapalabas si Leo, if I will do the same thing, mapapalabas ko din sya but kung naandito nga sya sa school, bago ko pa magawa ang bagay na iyon, sigurado akong naunahan na nya ako.

I should think of a better way na mapapalabas ko sya.


LYRA POV

Maybe I should put things up at isipin ko kung ano ang mga nangyayari ngayon kesa sa mga nangyari noon. I met Quince Trajano who suspects me na isa din akong Apostle at si Christine. Alam kong may nangyayari pang iba na hindi ko alam.

Papunta na ako sa cafeteria after my last subject ng makita ko ang malandi kong bestfriend. Agad akong tumakbo sa kanya at umakbay, namiss ko ang malanding ito.

"Caleb"

Tinitigan nya muna ako, ang seryoso ng mukha nya. May problema kaya ito o may ginawa akong mali?

"Sino ka?"

"Anong drama yan."

Akala ba nya maloloko nya ako sa mga ganyan-ganyang drama nya? Di bagay sa kanya maging artista ha.

"Kilala mo pa pala ako"

Tinanggal nya yung kamay ko at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hala, nagtatampo sa akin ang bestfriend ko, Lord, what to do?

Sabihin ko kaya sa kanya na nakita ko si Christine, pero tinakbuhan nga nya ako kaya posibleng ayaw nya ding magpakita sa iba.

"Ang daming nangyari sa akin tapos dradramahan mo ako ng ganyan..."

Syempre, papatalo ba ako, magdradrama din ako, alam ko namang ginogoyo lang ako ng damuho na ito at saka, ako pa matiis nito?

"Pwede mo naman kasi iwasan pero mas pinili mong sumugod sa laban"

"Anong pinagsasabi mo?"

"Wala, rhyme lang sila kaya sinabi ko..." tatawa na ba ako? Corny din ng taong ito, namiss ko lang naman sya eh, tapos ganito ginagawa nya? It hurts you know...

"Nahospital ka na naman, dapat siguro doon ka na tumira"

"Sa tingin mo?" at inosente akong tumingin sa kanya.

"Oo, tapos ako ang doctor mo"

"Malandi ka talaga"

"Iba na naman ang tumatakbo sa utak mo"

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon