Chapter 61: APOSTLE VS. APOSTLE

109K 2.4K 569
                                    


PRIME POV


"King!"


Nagkasalubong kaming lahat ng Helena sa may labas at saka dumeretsyo sa loob kung saan naandoon si Ryo at posibleng si Lyra din. Pero bago paman ako tuluyang pumasok, umagaw ng atensyon ko ang isa pang sasakyan, kanino kaya yun?


Bago paman ako nakapag-isip, nakarinig na ako ng sunod-sunod na putok mula sa loob, shit! Mukhang nagsimula na sila. Inilabas ko ang baril ko at ikinasa saka pumasok sa loob pero pagpasok ko, hindi si Lyra o Ryo ang naabutan ko kundi si Aries...


Anong ginagawa nya dito?


Tiningnan ko si King na sunod-sunod na nagpaputok kay Aries habang nasa likod nya sina Skye, Dylan at Yola.


Nasaan si Ryo?


Nagtago ako sa isa sa mga poste ng gusali at sumisilip... nakita ko ang katawan ni Ryo na nakahandusay na sa sahig, kung ganun... huli na kami.


Nasaan si Lyra?


Napatago ulit ako ng may dumaplis na bala sa pisngi ko. Hindi ito ang oras para mag-isip ako ng kung ano-ano. Nang saglit na tumigil ang putukan, agad akong lumabas at dire-diretsyong nagpaputok kay Aries.



ARIES POV


Damn it!


Akala ko tapos na ng patayin ko si Ryo pero paglingon ko, nakatutok na agad sa akin ang baril ni Jireh at pinaulanan ako ng bala, isama pa na bumabaril din ang mga kasama nya. Tiningnan ko ang baril ko, ilang bala na lang ang natitira sa magazine ko at nasa sasakyan ko ang ilang ammunitions ko. Mukhang, kailangan kong magmano-mano sa labanang ito...


Lumabas ako sa kinasasandalan ko at tumakbo habang nagpapaputok. Nang malapit na ako sa kanila, agad akong nagslide sa ilalim ni Skye at binaril ang kisame sa taas nito.


Tama nga ang hinala ko... bibigay na ang gusaling ito...


Bumagsak ang kisame kay Skye pero alam kong hindi sya napuruhan. Nabitawan nya ang baril na hawak nya at agad ko itong sinalo saka binaril si Dylan na nasa likuran ko. Tinamaan ko sya sa tagiliran nya, magpapaputok pa sana ako ng maramdaman ko ang malakas na pagsuntok sa mukha ko, si Jireh.


Hinawakan ko ang baril nya na nakatutok sa akin at saka ko iyon pinilipit at napapunta sya sa likod ko. Ipinutok ko ang baril nya kay Yola na nasa harapan naming dalawa. Mabilis naman itong nakapagtago pero alam kong nadaplisan din sya. Agad akong umikot para sikuhin si Jireh pero mabilis nya itong nasangga.


Kilala ako sa isa sa pinakamalakas na Apostle pero ang lalaking ito, ang King ng Helena... nasasabayan nya ako.


Sino ka ba talaga Jireh Montenegro?


Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon