Chapter 47: THE CAPTOR

113K 2.5K 1K
                                    


PAMELA POV


Nakakainis si Kuya, nagkagirlfriend lang hindi na ako hinatid, anyway... naandito ako sa private plane namin. Mayaman kami kaya may sarili kaming plane at hindi ko na kailangang pumunta pa ng NAIA. I'm going to Macau then siguro sa Italy, Egypt o kahit saan pa, masyado akong naistress sa mga nangyayari.


I look at my phone.


Di man lang ako tinawagan ni Kuya, nakakainis kahit man lang goodbye sis or ingat ka, kaya ayoko na may girlfriend yun eh, may kahati na ako sa atensyon.


"Maa'm, were going to take off"


"Eh di mag-take off ka, ako ba ang Piloto?"


Bwisit... dinial ko yung number ni kuya, wala man lang sumasagot. Tsk, bahala nga sya sa buhay nya. Pag sya tumawag, hindi ko sasagutin...


I looked at the picture nila ni Lyra sa school website at talagang nasa home pa kaya ito agad ang makikita mo. He's happy... of course he is but then... bakit kinakabahan ako?



PRIME POV


That body paint of Lyra, hanggang ngayon iniisip ko parin iyon. Kung ang lahat ay pinagkakaguluhan ang relationship status ni King, ito naman ang pinoproblema ko.


That body paint of her... kung may isang tao man na gagawa nun, it's Caleb. Aside to the fact that he is a Fine Art student, bestfriend pa nya ito kaya possible na alam ni Caleb kung para saan ang body paint na iyon.


Masyadong detalyado ang pagkakagawa nito at parang pinagplanuhan talaga. Tiningnan ko na ito sa ibat-ibang anggulo pero wala parin akong malaman.


I suspect Lyra that she is one of the Apostle although wala pa akong proof at mas lalo akong mahihirapang patunayan yun ngayong sila na ni King. Sa lahat ng ginawa nya at pinakita nya, tanging Apostle lang ang makakagawa nun. Tatlo lang ang babaeng Apostle and in the process of elimination, malalaman mo na agd kung sino sya.


She's not Gemini, dahil obviously it's Ellione na nalaman din namin dahil sa kanya, and it's impossible na sya si Aquarius dahil girlfriend ni Cancer ito, so the only one left is the Queen of Gangsta, Bloody Maria.


If she's Bloody Maria, isa lang ang dahilan ng body paint nya and that is to hide her Virgo tattoo at kung si Caleb ang may gawa nun, isa lang din ang ibig sabihin nito.


He is one of them...


Dumating sya sa Wimbledon after magpakilala ni Pisces and for Isly... I never thought na may alam ang isang high schooler sa mga nangyayari dito at nagsimula lang syang magparamdam ng dumating si Caleb.


Somehow it all makes sense...


Ang biglang paglabas ng mga Apostle, ang proteksyon na binibigay nila kay Lyra, it all makes sense. Kung isa sila sa mga Apostle, then maybe I know kung sino ba talaga si Caleb Aragon. Isang Apostle lang naman ang proprotekta sa queen and that is no other than but her KING...

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon