Chapter 26: TWO KINGS

135K 2.6K 862
  • Dedicated kay Liane'ashiya Yosuzume Llamo
                                    

Chapter Twenty Six: TWO KINGS

PAMELA POV

"Ouch!"

Tiningnan ko ng masama yung nurse na gumagamot sa mga sugat ko. Cursed that bitch! Bakit pa ba sya bumalik? Tatawag talaga ako mamaya sa embassy at ipapadeport ko sya pabalik sa lungga nya.

Ang kapal ng mukha nyang bumalik dito, sigurado naman ako na lalandiin lang nun si Kuya. Mas gusto ko pa na mapunta si Kuya sa probinsyanng yon kesa sa kanya.

Ang sakit ng katawan ko at hell... may mga sugat ako. Humanda talaga sya akin pag nagkita ulit kami.

"Done" at lumayo na yung nurse sa akin.

Dapat lang baka sya pa mapagbuntunan ko ng sama ng loob. I look at Danica and Tine, may mga sugat din sila pero mas malala yung sa akin.

"Easy Pam, kung may binabalak kang magrevenge, wag mo ng ituloy. Nakita mo anman kung papaano magilit si Head Mistress" si gel.

Buti pa sya, walang sugat walang gasgas sa katawan unlike us.

Isa pang pinoproblema ko yang si Head Mistress. Detention daw, kakausapin na lang daw nya kami about sa punishment namin, kaya ko namang bayaran lahat ng nasira sa cafeteria.

Ayokong isipin kung anong ipapagawa nya sa amin, knowing her... hindi sya gagawa ng isang bagay na talagang magugustuhan mo. I don't think na ieexpel nya kami o isususpend... gosh, ano kayang nasa isip nya?

"I will make them pay Sistah..." si Danica.

"Dapat lang"

"Of course, hindi ako papayag na sa ganito matatapos ito... humanda sila sa Detention!"

Natapik na lang ni gel ang noo nito at ngumiti sa akin. Lintik lang ang walang ganti, Azaleia, Tiffa at Ellione.

BRB, Be Ready Bitch!

LYRA POV

"Lyra Salcedo"

Kung ganun kilala pala nya ako, baka nabanggit ako ni Sungit sa kanya o kaya pinaresearch nya agad ang pagkatao ko.

Sasampalin nya sana ako pero mabagal sya kaya nasalo ko agad ang kamay nya. I don't know, mabagal sya o mabilis lang ako who cares... pagnakikita ko ang babaeng ito, kumukulo ang dugo ko.

"So you're that promdi girl Lyra" ngumiti sya.

"Azaleia"

"It's good that you know me"

Kinuha ko yung ID nya na nakapatong sa ibabaw ng sink at ipinakita sa kanya. Mukha namang napahiya sya sa ginawa ko, as if namang mageeffort pa talaga ako para kilalanin sya.

Aalis na sana ako pero bigla nyang hinawakan ang kamay ko and shet, bumabaon ang kuko sya sa balat ko at medyo mahapdi ito.

"What do you want?"

"What I want is for you to stay away from Jireh"

Tinanggal ko yung kamay nya sa pagkakahawak sa akin at humarap ako sa kanya. Bakit ba lagi na lang ang Sungit na iyon ang dahilan kaya napapahamak ako?

"Look, kung si Sungit ang pinoproblema mo, sya ang kausapin mo. Pabor pa nga sa akin kung mapapalayo mo sya sa akin at please lang ha, mga 1 mile away"

"You got some nerves huh. Don't you know who are we? He's the heir of Montenegro Empire same as me and you... you're just a promdi girl. Wherever you look at it, you don't belong to our world so if I were you, back off!"

"Dami mong sinabi, back off lang pala ang point mo"

"What the-'

Sumugod sya sa akin agad naman akong napaatras at dahil nya naghuhugas ako ng kamay nun, napihit ko pa lalo yung gripo at mas lalong lumakas ang tubig. Lalapit pa sana yung kasama nya sa akin kaso nadulas sya at nahirapang tumayo.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon