Chapter 05: THE BEGINNING

187K 3.5K 632
                                    


THREE YEARS LATER


SOMEONE POV


Hinihingal na tumatakbo sya palayo sa akin, ilang beses pa syang bumagsak at nagpagulong-gulong sa kalsada. Duguan na ang katawan nya at sa nakikita ko, di magtatagal at mauubusan na din sya ng dugo.


Rinig na rinig ko ang malalim at mabigat nyang paghinga.


Sinundan ko lang sya ng sinundan kung saan man sya patungo hanggang sa makarating kami sa isang underpass.


"Shit"


Bulong nito ng tuluyan na syang matumba. Tumingin pa sya sa akin at ngumiti na para bang alam na nya na ano mang oras, maaari na itong mamatay.


Ikinasa ko ang baril na hawak ko at saka itinutok sa kanya. Bahagya pa syang napapikit at may ibinulong na di ko na maintindihan.


Ang sumunod na nangyari ay napuno ng katahimikan ang lugar at dumaloy sa sahig ang kanyang dugo. Ibinaba ko ang baril na hawak ko.


Tatlong taon.


Tatlong taon na ang nakakalipas simula ng mag-umpisa ang Gangster War at hanggang ngayon ay nakikipagsapalaran parin ako para mabuhay. Dahan-dahan akong tumalikod at naglakad papalayo ng makarinig ako ng pagkasa ng baril, agad akong humarap at itinutok ang baril ko dito.


Isang baril din ang nakatutok sa akin.


Si Cancer...



DAVAO CITY, PHILIPPINES

LYRA'S POV


Bahagya akong napapikit at pilit na inaalala ang mga pangyayari. Ano nga bang nangyari?

Ang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko sasabog ito ano mang oras.


Ang.Sakit.Sobrang.Sakit.


"Lyra!"


Humarap ako sa pintuan at isang unan ang tumama sa mukha ko. Buwisit, umagang-umaga, ginagalit ako ng hinayupak na ito.


"Aba aba mahal na prinsesa, baka gusto mong bumangon na dyan sa higaan mo. Alas syete na po at 8:00 ang pasok mo. Hala, bangon!"


Tama, naaalala ko na.


"Kanino bang kasalanan kung bakit sumasakit ang ulo ko ngayon?!" tiningnan ko sya ng masama.


Ang sakit talaga ng ulo ko. Buwisit kasi itong si Caleb eh, niyaya ako ng inuman dun sa kanto, ayan tuloy, may hang-over.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon