Chapter 04: MISSING

187K 3.8K 293
                                    


UNDERGROUND CITY

Third Person POV


Nilalaro nito ang dart sa kamay nya saka ito ihahagis sa board.


"Anong problema?" humarap ito sa kasama nya na medyo bata pa at tinititigan lang ang mga nagkalat na baraha sa table nito.


"Gang War"


Napakunot noo ito at saka tumingin sa paligid. Wala si Aries, si Virgo o maging si Leo ganun din si Scorpio at Gemini. Agad syang kinabahan, posible kayang- Huwag naman sana.


"Hindi ako natatakot mamatay, pero natatakot ako sa mga taong masasaktan at pwedeng madamay"


Hindi man nya masyadong naintindihan, alam nyang may mangyayaring hindi maganda.


"YO! Libra"


Sabay pa silang napalingon kay Cancer na papalapit sa kanila habang nakaakbay kay Aquarius.


"Easy..." itinaas nito ang parehong kamay, "Nasaan si Maria at yung iba?" lumingon-lingon ito para hanapin sila pero... wala.


Sabay-sabay napalingon ang lahat sa labas sa tunog ng baril. Sino naman kaya ang pangahas na magsisimula ng gulo dito sa UC?


"It's Aries" si Capricorn na ginagamot ang sugat nito sa kamay.


Kilala syang workaholic pero kilala din syang gangster na may pinakamalakas ang senses. Malakas ang pakiramdam nya at kaya nyang makilala ang kahit na sino once na marinig lang nya ang boses nito.


Napatingin sila sa isa't isa at nagkatitigan saka sabay-sabay na bumunot ng baril at itinutok sa isat-isa. Ganun din ang mga mga underlings nila na nasa Underground City.


Napuno ng katahimikan ang buong Underground City at walang sinoman ang nagtatangkang kumilos. Isang pagkakamali lang, siguradong dadanak ng dugo dito anomang oras.


"Ano, dito na ba tayo magpapatayan?" Nakangiting sabi ni Cancer habang nasa likod nya si Aquarius. Palipat-lipat ang tutok nito ng baril sa mga Apostle sa harapan nya.


Wala si Virgo at Leo ganun din si Aries at isa lang ang ibig sabihin nito, walang pwedeng pumigil sa kanila kung magpatayan man sila dito at simulan na ngayon ang gang war na matagal ng pinipigilan ni Virgo.


"HaHaHah... HaHaHa..."


Binasag ni Taurus ang katahimikan sa pagtawa nito habang nakaupo lang sa isang sulok. Hawak-hawak padin nito ang mga baraha na kanina pa nilalaro.


"Kapag nandito si Bloody Maria, para kayong mababait na tupa pero kapag wala sya talo nyo pa ang mga baboy na nakawala sa hawla na naghahanap ng mabibiktima."

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon